CHAPTER 68:
Iniuwi ako ni Kuya, hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak at ramdam ko na ang paninikip ng dibdib ko. Ano ba ang mas masakit? Ang ginawa ni Allen sa'ken noon? O ito ngayon na parehas na naming gusto ang isa't-isa pero kami lang din ang nananakit sa mga sarili namin?
"Ano ba kasi ang nangyare kanina?" tanong ni Patricia...ramdam ko naman na hinagod ni Elisha ang likod ko.
"W-Wala." sabi ko.
"Akala ko pa naman si Karla lang ang may pangit na lovelife." sabi naman ni Ana.
"Rain?" napatingin ako kay Kin na bagong dating, sumama naman ang aura ng mga kaibigan ko.
"Ng dahil sa'yo nasira na ang Team LeRain, Team LuRain,Team HaRain, Team ElRAin, Team DeRain, Team KyRain at AnRain!" singhal ni Keisha sa kan'ya.
"Siraulo ka talaga Keisha, lahat ibnigay mo kay Rain." si Ana.
"Malamang, crush ko pa naman si Halli kaso kay Ran pa din ako." ani ni Keisha.
"Ang kaso ampangit ng pangalan n'yo. RanSha!" napangiti ako sa sinabeng 'yon ni Elisha.
"MALI! Raniella po!" si Keisha. Nagpunas na ako ng pisngi ko, baliw talaga si Keisha, nasa dugo n'ya na yata 'yan eh. "Hephep! Baliksa usapan!" si Keisha at binalingan na naman n'ya si Kin.
"Hindi ba't ayaw n'ya ng Daniela ba't n'ya inilagay kasama sa pangalan ni Ran?" bulong ni Elisha kay Ana.
"SHUT UP!" sita ni Keisha kay Ana at Elisha. "And you! Ayaw ko sa loveteam n'yo! KiRain! Ampangit!" asar ni Keisha. Naupo naman si Kin sa single sofa.
"Talk to him." utos nito.
"Para namang kakausapin n'ya ako." tugon ko.
"Oo nga! Epal ka kasi!" sabat naman ni Keisha.
"Alam mo ba na nagulat ako sa ginawa mo kanina." sabi ni Kin, tinutukoy n'ya ba yung pagpapakilala ko na fiancé ko s'ya?
"Wala namang mali sa sinabe ko ah." tugon ko.
"Meron napakalaki." nakangiting sabi nito. Kaya nangunot naman ang noo ko. "I'm not your fiance. Nice to meet you Rain, I'm Kin Valdez and I'm your cousin." nakangiting anito na ikinagulat ko.
o__o?? <---ako
-__-<---Ana
O_o<---Keisha
oOo<---Elisha
xOx<----Patchot
@__@<----Karla.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...