CHAPTER 69:
Napangiti ako ng makita ko na kumpleto ang pito, nakangiti na agad sa akin ang anim. Humakbang ako para makasalubong si Levi pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng daanan n'ya lang ako na parang hangin.
"Good morning Rain." bati ng anim sa'ken, nginitian ko sila na kunwari ay hindi ako nadismaya sa ginawa ni Levi.
"Pag nagpatuloy si Levi ng kakagan'yan Rain kukunin na talaga kita." sabi ni Ellie at ginulo ang buhok ko saka nakangiting nagpatuloy sa paglalakad. Nang ako nalang parang gusto kong umiyak.
"Don't give up Rain...magiging ayos din ang lahat." sabi ko sa sarili ko at pumasok na ako sa room ko pagkapasok ko sa room ko ay naupo na ako sakto namang dumating na si Keisha.
"Ok ba?" patungkol nito, sinabe ko ang dahilan kung bakit hindi ako sasabay sa kan'ya ngayon.
"Hindi nga ako pinansin eh." sabi ko at pinipigilang ang mga mata ko na h'wag mamasa.
"Ayos lang 'yan nasaktan lang siguro." sabi n'ya. Tumango lang ako. At maya-maya ay dumating na si Ma'am dala ang mga test papers n'ya.
-
-
-
"May lakad ka ba?" pansin ni Keisha sa'ken, hindi na ako sumagot dahil abala ako sa pagtest kailangan matapos ako bago magbreak para hahantayin ko si Levi sa room n'ya. Kakausapin ko s'ya. "Hintayin mo naman ako." sabi ni Keisha.
"Tapos!" sambit ko at saka tumayo. "Ma'am." sabi ko at ipinasa ang pangalawang test.
"Very good." sabi ni Ma'am.
"Ma'am pwede na po ba akong lumabas?" tanong ko. Tumango naman si Ma'am. Nakangiting kinuha ko ang bag ko at sinenyasan si Keisha na mauuna na ako. Doon ako sa kabilang hagdan dadaan baka kasi hindi s'ya dumaan sa tapat ng room eh. Sakto namang pagdaan ko sa room ni Halli ay lumabas ito ng room n'ya sa kabila naman ay lumabas na din si Ellie, napahinto ako kasi nakatingin sila parehas sa'ken.
"Rain." tawag nila sa'ken. Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad at sinalubong silang dalawa.
"Tapos na kayo sa dalawang exam?" tanong ko. Tumango sila parehas.
"Pupuntahan mo ba si Levi?" tanong ni Halli. Naiilang na tumango ako.
"Tsk 'wag ka lang talagang dededmahin ng abnoy na 'yon." sabi ni Ellie. Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Basta ba kung hindi ka pansinin ni Levi pwede ka pang mamili sa aming anim dahil kami mahal ka namen!" sigaw bigla ni Halli!shet!
"Waaa! Sinabihan ni Halli na mahal n'ya yung Rain!" nagsimula na ang mga bulungan bwiset ka Halli!
"Oo Rain! Hindi na kita gusto! Mahal na kita!" kahit nasa hagdanan na ako nadinig ko pa ang boses ni Ellie! Sana Ellie noon mo pa sinabe 'yan! Hayop ka kung kailang iba na ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...