Chapter 48:

2.5K 84 5
                                    


CHAPTER 48:


Keisha's POV

Ang sama ng panaginip ko =__= nakaalala na daw si Rain tapos ng malaman n'ya na sinikreto namin 'yon sa kan'ya ay sobra s'yang nagalit. Napailing ako at inayos na ang higaan ko.

*LIGO*


*BIHIS*


*AYOS*


*KAIN*


*SEPILYO*

"Perfectu." sabi ko palaging kong sinasabe 'yon pagkatapos kong gumayak.

~AKO~

Bibi, papunta na ako d'yan.


Chat ko kay Rain, sandali kong binulsa iyon at sinukbit na ang ko sa likuran.

~Rain Rain go away (sama ako)~


Sige.



Hindi na ako nagreply.

"Mommy, Kuya alis na ako!" paalam ko.

"Goodluck sa school." si Kuya.

"Ingat sweetie." si Mom. Nakangiti akong sumakay ng kotse ko at mabilis na pumunta kina Rain. Napa-arko ang kilay ko ng makitang nakatulala lang si Rain sa malayo. Anong nangyare sa kan'ya? Huminto na ako sa harapan n'ya pero parang wala s'yang nakita. Bumusina ako. Kaya nagulat ito.

"Sakay na." sabi ko, parang walang gana n'yang binuksan ang pinto ng kotse at sumakay. "May sakit ka ba?" tanong ko at hinawakan ang noo n'ya pero wala naman. Hindi ito sumagot kaya naman hinawakan ko na ang manibela, akmang paaandarin ko na ng mapansing hindi nakasuot ang seatbelt ni Rain.

"Rain yung seatbelt mo." paalala ko. Tinignan n'ya iyon na parang walang gana.

"Oo nga pala." malamyang sabi n'ya. Ano ba ang nangyayare sa kan'ya?

"Rain ayos ka lang?" nangangambang tanong ko.

"Mmmm." tanging tugon n'ya. Nag-aalala na ako, alam ko kapag masyado akong makulit at paulit-ulit ay sisinghalan na n'ya ako. Tumahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa MHA. Bumaba si Rain na parang wala lang. Naglakad na walang pakialam. Nanlaki ang mata ko ng mapansing may nagbe-baseball.

"Rain!" tawag ko, sakto nakita ko na may papalapit na baseball mabilis akong humarang at sinalo ang bola. "SHIT!" mura ko sa sobrang sakit. Napatingin si Rain pero mabilis din n'yang tinanggal iyon at saka naglakad ulit. I HATE YOU RAIN! Tinignan ko ang mga naglalaro ng baseball, nanggalaiti ako sa galit ng makitang mga naka school uniform ito at hindi sa field naglaro.

"GAGO KAYO ANG SAKIT!" sigaw ko at ibinato yung bola sa kanila, hinabol ko na si Rain matapos kong mabato ang bola kaya hindi ko alam kung may tinamaan ako o wala. Pagdating namin sa room naupo agad ito at tumulala sa white board. "Rain." tawag ko tinapunan lang n'ya ako ng tingin at muling bumaling sa White board.

Sakto namang dumating si Chloe at napansin naman agad ni Chloe si Rain. Tinignan n'ya ako na nagtatanong, nagkibit balikat lang ako at naupo s'ya sa tabi ni Rain.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon