CHAPTER 21:

2.9K 86 0
                                    


CHAPTER 21:



Alas dos na ng madaling araw, akala ko sa kabila ng pag-iyak ko ay makakatulog ako pero hindi. Tinigil ko na ang pag-iyak at naupo sa kama. Ayokong pumasok na mugto ang mata. Kaya naman naupo ako sa study table ko at nag-advance reading sa lahat ng subject.




**3:30 AM**



Napatingin ako sa cellphone ko, 3:31 AM na, iginilid ko ang mga gamit ko at saka lalabas sana ng kwarto para kunin yung kahon sa secret storage namin ni Keisha, pero nadako ang tingin ko sa ilalim ng kama at nakita kong nandoon ang mga gamit ko, hindi ko nga pala nailabas 'yon.


Gaya ng nakasanayan ko sa umaga. Plantsa, ligo, ayos. 'yun lang. pero medyo nahihilo ako dahil umiyak ako at walang tulog. At parang tumaas na naman ang lagnat ko. Pero hindi ko na iyon ininda. Pagkalabas ko hinintay ko si Keisha.



*TING*



Dinig kong tumunog ang cellphone ko sa bulsa kaya naman kinuha ko iyon.


~Keisha Hart Hart~


Antayin mo ako nag-aayos lang ako.


~Ako~


Ge.



Ibinulsa ko na ang cellphone ko ng hindi s'ya mag-chat. Naghintay pa ako ng ilang minuto akong naghintay at nakarating na din si Keisha.


"Ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Keisha, inayos ko muna ang seatbelt ko.


"Hindi pa nga eh." sagot ko.


"Eh ba't ka pa pumasok?" tanong n'ya.


"Natural may pasok." sagot ko. Ngumuso lang ito at saka nagtuloy sa pagmamaneho.


Bumaba ako ng ma-park na 'yon ni Keisha. Sabay kaming naglakad papasok ng MHA at papasok sa gate ng gr. 11 at 12.


"Tsk. Ang tibay mo pala ano?" bigla na namang sumulpot si Jame ng nasa gate na kami.


"Tigilan mo na ako Jame." sabi ko. Ayoko s'yang patulan dahil masakit ang braso ko.


"Edi ang kaibigan mo nalang." bigla akong napalingon sa kan'ya pero hinaklot n'ya na ang polo ni Keisha.


"Bitiwan mo nga ako Jame!" pagpupumiglas ni Keisha. Binitiwan n'ya ng pabalang si Keisha, ang akala ko pakakawalan n'ya pero inilipat n'ya lang pala iyon sa dalawang lalake, na s'yang kasama n'ya kahapon.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon