CHAPTER 43:
"Oo nga eh." si Andy.
"Ilag sa mga tao." si Devon. Pinag-uusapan nila ay si Ran yung lalake sa section 11.
"Bihira lang daw lumabas ng classroom 'yon eh." si Halli.
"Ano kaya ang itsura n'ya?" tanong ni Kyle, walang nakakaalam ng sagot. Napatingin ako sa mesa nila Rain, kita ko na ang sama ng tingin n'ya. Tinignan ko kung sino ang tinitignan n'ya, si Levi? Ang saman ng tingin n'ya kay Levi. At si Levi hindi lumilingon. Nakaktuwa siguro 'pag naging sila ano? Laging may gera. Kaso kawawa naman si Devon, asang-asa na makukuha n'ya si Rain kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi s'ya gusto nito.
Devon's POV
"Ano tara na?" alok ni Ellie, akala mo naman magkakaklase kami.
"Una na'ko." si Levi saka alis. Ang sungit talaga no'n mas lalo pa ngang sumungit eh.
"Bilisan na natin at mayayari ako kapag na-late ako." aligagang sabi ni Halli, naglakad na kami palabas.
"Kyaaaaaa!"
"Luis!"
"Devon 'ma loves!" YUCK! =_=
"Notice me Halli!" hindi na namin pinansin ang mga tilian at kan'ya-kan'ya ng balik na sa room. Pagkabalik ko sa room nakita ko na si Levi na nakaupo at nakatingin sa bintana. Naupo ako sa tabi nito.
"Hoy." tawag ko sa kan'ya.
"Oh?" sagot nito na nasa labas pa din ang tingin.
"May sakit ka ba?" tanong ko.
"Wala." sagot n'ya. Napanguso ako dahil hindi n'ya ako tinitignan.
"Ba't di ka namamansin?" tanong ko.
"Tinatamad ako." sagot n'ya lang. Balak ko pa sanang magsalita kaso napatigil ako dahil biglang lumakas ang ulan! Wow nahiya naman ako kanina ang ganda ng panahon. Laptrip din itong langit na ito! Sakto namang dumating si Sir kaya naman binaling ko na ang tingin ko sa kan'ya.
Maya-maya......
"Sir excuse!" lahat kami ay nagulat ng may isang istudyante na umeksena sa gitna ng klase namin. Kahit ang attention ni Levi ay naagaw nito. Galing ata s'ya sa section 1.
"Ano 'yon?" tanong ni Sir.
"Magtatanong lang sana kung may nakakita po ba dito sa isang babae na nagngangalang Rain Mignonette Danieles. Napatayo ako sa kinauupuan ko .
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...