CHAPTER 15:

3K 85 0
                                    


CHAPTER 15:



"Balik na!"


"Dali!"


"Nandyan yung Discipline Officer!"


"Shunga yung head 'yon!"


"Baliw! Hindi n'yo ba nakita na ang Head Councilor 'yon! Alis na bilis mamaya madamay pa tayo!" at sa isang iglap nawala ang mga babae na kanina ay nagwewelga. Hawak ko pa din ang kamay ni Jame ng may nakita akong isang student na masama ang tingin sa'men, ang mga magpipinsan, si Keisha at Chloe ay nasa Infirmary at nakasilip sa amin.


"Hey, Lhian." agaw pansin ni Andy sa bagong dating.


"So it was you again? Jame Lortez? New enemy?" sarkastikong ani ng babae.


"Mind your own fucking business Lhian!" singhal ni Jame at inalis ang kamay n'ya sa pagkakahawak ko.


"You." tawag nito sa'ken. Tinuro ko pa ang sarili ko, tumango s'ya. "Follow me." utos nito. Akmang lalakad ako ng pigilan ako ni Devon.


"Hindi s'ya ang nagsimula Lhian." malamig na sabi nito. Nagtaka naman ako bigla, akala ko ba babaero s'ya? 'Yun kasi ang naririnig ko tungkol sa kan'ya, maganda yung Lhian at ang hubog ng katawan.


"Who cares about that?" mapanghamong tanong n'ya.


"Hindi ka ba nakakaintindi Lhian? 'Yang kapatid mo ang nagsimula." si Luis, namilog ang mata ko sa gulat!


"WHAT!?" sabay na tanong namin ni Keisha.


"Ang payat n'ya at ang taba n'ya!" pagkukumpara ni Keisha , siraulo.


"Shut up." saway nung Lhian. "Ms. Come with me." baling nito sa'ken.


"Walang sasama sa'yo Lhian kundi 'yang Jame na 'yan." himasok naman ni Halli. Sumama ang tingin nito sa'ken. Ano ba ang problema nila sa'ken at pinag-iinitan ako?


"Tara." usal ko at ngayon ko lang naisipan na bitawan ang kamay ni Devon.


"Hindi." tugon ni Devon. Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan n'ya ulit 'yon. Napansin kong napatingin si Lhian sa kamay naming iyon kaya mabilis ko iyong inalis.


"Ano bang problem mo?" kunot noo kong tanong. "Kaka-usapin n'ya lang naman yata ako sa ginawang kalokohan ng kapatid n'ya." sabi ko.


"Edi sasama kami." si Ellie. Seriously!? Ano ba ang nasa isip nila. Napapailing na nilapitan ko si Lhian.


"Kayo lang." dinig kong sabi ni Levi ng magsimula na kaming maglakad.


Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon