Chapter 78:

2.1K 52 0
                                    


CHAPTER 78:

Ran's POV

 

"Ms. Annika?" tanong ko kay Ma'am, teacher namin sa Chemistry na alam kong subject teacher din nila Rain.

"Yes Annika Kana, please got to her room and bring her here." sabi ni Ma'am tumango lang ako at saka naglakad papunta sa room ng Einstein, tsk bakit kaya noong inalok ako sa section 1 bakit hindi ako pumayag? Isa pa bakit hindi si Ma'am ang pumunta? Tutal break naman na. -__-

Napailing ako sa sarili kong naisip.

Nasa tapat na ako ngayon ng room ni Ellie isang room nalang ang kailangan kong lagpasan para makapunta sa section ni Rain.

"Rain!" napaangat ako ng tingin sa pagkakayuko ko habang naglalakad. Ang kaninang nakabulsa kong kamay ay naialis ko, nakita ko nalang si Rain na tumatakbo, mabilis kong nilapitan si Khisha. "Ran." she said.

"Anong nangyare?" tanong ko.

"Hindi ko alam, bigla nalang s'yang nagmadali." tugon nito, tumango ako.

"Sabihin mo sa kaklase mo na ang pangalan ay Annika Kana ay pinapatawag s'ya ni Ma'am Lemina, Chemistry sub.teacher sa room Eleven." sabi ko, tumango ito at mabilis akong sumunod kay Rain.

"Dali na Kuyang guard palabasin n'yo na ako." nakita ko si Rain na nasa Main gate at nagmamakaawa sa guard. Ang ayoko sa lahat ay yung nagmamakaawa ka Rain! Naglakad ako palapit sa kanila.

"Hindi nga pwede Miss." anito.

"Open the gate. Or I'l fire you?" banta ko dahilan para mapatingin sila sa'ken.

"K-Kuya." sambit ni Rain, nginitian ko lang ang kakambal ko.

"Po? Tatanggalin? Sanders po ba kayo?" tanong nito. Umiling ako.

"Danieles ang family name na ginagamit ko pero kilala mo ba ang mga Leigh?" tanong ko. Umarko ang kilay ko at napalunok ito.

"S-Sorry po." anito at agad na binuksan ang gate.

"Kuya, salamat." sabi ni Rain, tinanguan ko lang s'ya.

"Hey." tawag ko lumingon ito. "Use my car." sabi ko at inihagis sa kan'ya ang susi na agad namang n'yang nasalo.

"Thanks Kuya." sabi n'ya. Muli akong tumango.

"Sa susunod na harangan n'yo pa ang kapatid ko hindi na kayo makakapagtrabaho." sabi ko sa dalawang guards.

"Pasensya na po Mr. Leigh." they said and I take my steps away from them, ano kaya ang nangyare kay Rain? Bumalik na ako sa room dahil ayokong mag break lalo pa't si Khisha lang ang makakasabay ko =_=.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon