CHAPTER 52:
Andy's POV
Ano ba ang nangyayare kay Rain? Hindi n'ya kami maalala? Nakatingin ako sa kan'ya, napaka-inosente ng mukha n'ya. Tinignan n'ya kami at talagang nababasa mo sa mga mata n'ya na hindi talaga n'ya kami kilala.
"Nasaan nga pala si Allen?" biglang tanong ni Rain. Para akong pinompyang sa narinig ko. Si Allen? Sinong Allen!? "Kainis 'yung Allen na 'yon, hindi pala iyon ang totoo n'yang pangalan." kwento pa nito na talagang ikinayanig ng mundo ko. At ikinanlamig ng buong katawan ko.
Naalala ko na ang pangalan ng babaeng niloko ko noon at walang iba kundi si Rain.
-FLASHBACK-
"Bata." may lumapit sa'ken na batang babae, na noon palang ay gusto ko ng makalaro.
"Bakit?" tanong ko habang nagduduyan sa swing.
"Wala kang kalaro?" tanong nito. Tumango ako, nakakainis kasi sina Levi eh, kinukuha palagi ang candy na binibili ko. "Gusto mong makipaglaro?" tanong nito. Nakangiti ko s'yang tinignan.
"Sige!" sagot ko
"Teka ano pala ang pangalan mo?" tanong n'ya.
"An--Allen." tipid na sagot ko. Ayaw ni kasi ni Mommy na ipaalam ko ang totoong pangalan ko sa ibang tao.
Simula no'n ay palagi na akong nakikipaglaro sa kanila kasama ang kuya n'ya at nung kaibigan n'ya. Tumagal ng dalawang linggo ang paglalaro namin at pagsasama. Ng sa isang araw ay umamin si Rain sa'ken, sinabe ko naman na "ayoko sa'yo, hindi kita gusto, at hindi Allen ang totoo kong pangalan." tapos no'n hindi na ako lumalabas ng bahay, isa pa kaya ko sinabe iyon ay dahil titira na kami sa States tapos lilipat sa Korea. Ayokong umasa s'ya na babalik pa ako kung wala namang kasiguraduhan.
--------
"Hoy!" gulat ni Devon sa'ken. Tinignan ko s'ya ng masama.
"Uuwi na ako." sabi ko.
"Dalhan mo na din si Levi ng masusuot n'ya." utos ni Luis, tumango naman ako at naglakad palabas ng hospital.
Keisha's POV
Umalis na si Andy.
"Oy Ate Keisha nasaan sina Mommy?" tanong ni Rain. Putcha nakakapanibago ang matawag na ate lalo pa't galing sa babaeng ito.
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Napadako ang tingin ko sa pintuan at nakita ko si Jame! Nakaramdam ako ng galit at mabilis na lumabas.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...