CHAPTER 6:

3.8K 132 4
                                    


CHAPTER 6:


"Tara na Rain." aya ni Keisha, tumango naman ako at binitbit ang bag ko. Pansin kong tulala si Chloe pero hindi ko nalang s'ya pinansin. At lumabas na kami ng room. Naupo ako sa magiging table namin at hinintay s'yang umorder. Walang pagbabago ang cafeteria ng pang gr. 11 at 12. Ay meron pala! Agaw pansin yung isang pabilog na sofa at may round table sa gitna.


"At sino naman ang mga OA na nakau--" natigilan ako sa pagkausap ko sa sarili ko ng biglang may pumasok.


"Kyaaaaaaaaaa!"


"Halli!"


"Oppa!"


"Saranghae!"


"Yeobo!"


"Jagiya!"


Napayuko ako bigla ng madako ang paningin nila sa'ken. Ano ba ako!? Tao! Alam ko 'yon! Oh eh ano ngayon kung sila yung nakita ko kagabe.


"Tama! Sige! Iangat mo na iyang ulo mo Rain!" sabi ko habang napapadyak pa yung paa ko. "Ok!" sabi ko at nag-angat ng ulo.


"Anong ginagawa mo?" kasabay ng pag-angat ko ng ulo ay may sumulpot nalang bigla! Kaya...


"Waaaa!" sigaw ko sa gulat at sa paunti-unting pagbagsak ko! Bakit ba ako laging nalalaglag!?


"Oy?" nagmulat ako ng mata sa tinig na iyon at sa dahil hindi ko naramdaman ang sarili ko sa sahig na nalaglag. Namilog ang mata ko nang si Ellie ang nakita ko! Waaa! Inaalalayan n'ya pa yung likod ko para 'di malaglag! "Gwaenchanna?" aniya. Pero ganoon pa din ang scene namin!


"H-Huh?" usal ko!


"Ayos ka lang?" tanong n'ya, napaawang pa ang bibig ko at tumango, umayos na din ako ng upo.



*EHEM*



"S-Salamat." usal ko. Nakatingin lang ako sa mga hita ko, wala akong gusto sa kanila sa kan'ya lang pala. Kahit pa na ang gugwapo ng mga kasama n'ya wala, sadyang naiilang lang ako sa mga lalake hindi ako sanay na may lalaki akong kausap o katabi, pwera lang kay Cade kasi kilala ko talaga s'ya.


"My God! Tignan mo si Ate! Napapalibutan ng Sanders Cousin!" napalingon ako sa mga nagbubulungan, napapalibutan? Hindi ko pansin. Muli akong humarap, bahagya pa akong napaigtad ng nasa harapan ko nga sila! Ano ba ang ginagawa nila dito!?


"Ayos na ba ang sugat mo?" tanong nung Kyle. Ang tanga n'ya may sugat bang hihilom agad pagkatapos ng isang gabi?


"Ah o-oo, ayos naman." usal ko. "N-Nasaan na ba si Keisha?" bulong ko at tinignan yung counter, pero wala pa ang paningin ko sa counter ay nakita ko na s'ya. May hawak na dalawang tray, nakatayo, nakangiti at pinapanood ako.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon