CHAPTER 4:
"Grabe, anong meron sa mga nakikita kong lalake?" usal ko habang naglalakad pabalik sa coffee shop. Sinuot ko naman yung jacket at ang bango no'n =_=.
"Oh? Ambilis mo naman." ani ni Cade, ngumite lang ako.
"Saan mo naman nanggaling yung jacket na 'yan?" tanong n'ya ng makalapit ako.
"Wala, oh sa'yo na'to." sabi ko at inabot yung dala ko, nagtungo naman ako sa bihisan para kunin yung sweater ko at iyon ang suotin ko.
Lumabas ako at bumalik sa counter na suot ang sweater ko, baka kasi makita iyon ni Cade at magtanong pa.
"Sige na ako na dito, wala pa namang um-order eh." sabi ko, tumango ito at umalis. Naupo ako at tinukod ang kamay ko sa desk at ipinatong ko ang baba ko. Grabe kakaiba ang nangyayare sa'ken ngayon.
"Miss?"
Parang kahit anong paikot ko sa utak ko ay kakaiba talaga ang nangyare at sa mismong iisang araw pa.
"Miss?" napaigtad ako at napatayo.
"A-Alin po iyon Sir?" bawing tanong ko.
"2 Mocha at 1 Black coffee." ani ng nasa gitna, at ngayon? Nakakita ulit ako ng gwapo? Letche gwapo day ba ngayon at maraming nagkalat?
"Wait lang po Sir." sabi ko at gumalaw, wala si Cade at ayoko na s'yang tawagin. "Your order Sir." sabi ko at inabot sa kanila yung order nila.
Nangunot ang noo ko ng makitang nakatingin yung isa sa'ken.
"Pwede ko bang hingin ang number mo Miss?" tanong nito sa'ken, ngumite ako.
"09123456789." nakangiti kong sabi, ngumuso ito at hindi ko na s'ya kinibo. Anong pakialam ko sa'yo?
"Ito Miss yung bayad, keep the change." anito at inabot yung 1000, naalala ko tuloy si Ellie.
"Thank you Sir." sabi ko at matamang tinignan yung nanghihingi ng number ko.
"Oh? Anjan na? Ambilis naman." sabi nung lalake. "Tara na Andy." tawag nito sa isang kasama n'ya, masamang tingin naman ang binigay ko sa nanghihingi ng number ko "Devon Tara!" aya ng lalaki sa kanya.
"Luis naman eh." atungol nito at pilit na sumunod. Tinignan n'ya pa ako.
"Si Levi daw Luis?" tanong naman ng isa yung Andy.
"Wala pa raw." anito. At yun umalis sila ng tuluyan, nakatingin yung Devon sa'ken, sinamaan ko lang ito ng tingin. Nagtrabaho ulit ako hanggang sa mag-alas-nuwebe.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...