CHAPTER 8:

3.6K 103 2
                                    


CHAPTER 8:



Ano ba 'yan? Katatapos lang ng isa may dalawa pa?


"Girlfriend!" -Halli


"Cashier!" -Ellie


Napapikit ako ng mariin ano namang klaseng tawag 'yan!? Hindi ko sila pinansin at naglakad ako ng nakayuko.


"Ughk!" usal ko ng tumama ako sa isang matigas na bagay at sa pagkakayuko nakita ko ay pares ng sapatos, dibdib pala ang tinamaan ko =_=.


"Hello?" si Halli.


"Tss." singhal ko na nakasapo sa ulo ko. Ang sama ng tingin ko sa kanila.


"Ok na ba ang pisngi mo?" tanong naman ni Ellie at akmang hahawakan ang pisngi ko kaya inatras ko ang ulo ko.


"Woah!" pang-aasar ni Halli sa kan'ya.


"Tigilan n'yo nga ako." sabi ko sa kanila. "'Wag n'yo akong kakausapin na parang close tayo hah? Dahil hindi naman talaga." sabi ko at nilagpasan sila.


"Eh? Samantalang kahapon ang cute n'ya kapag nagugulat." nadinig kong sabi ni Ellie, napakagat labi lang ako at binilisan ang paglalakad pabalik sa room.


Pagkapasok ko nakita ko na agad si Keisha.


"Next subject?" tanong ko.


"Chemistry." nakangiting sagot n'ya. Naupo naman ako sa tabi n'ya at ni Chloe.


"Magpapakilala lang naman di'ba 'yun?" tanong ko.


"Wala recap lang 'yan." tugon n'ya. At naghintay sa next na teacher.



-INTRODUCING-


-INTRODUCING-


-INTRODUCING-


-DISMISSAL-



"Uuwi ka na ba agad?" tanong ni Keisha, umiling agad ako.


"Trabaho be." bulong ko. Tumango ito at binitbit ang gamit n'ya. Sabay kaming lumabas ng room. Nauna kami bago ang section 2 ngayon nasa likod lang namin sila.



Halli's POV


Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon