CHAPTER 31:
Ellie's POV
Mamayang alas tres na ang contest, limang araw na ang lumipas ng inaya ko si Rain, alam na nila Devon 'yon nagtampo si Devon, hindi kay Levi kundi sa sarili n'ya kasi nahuli daw s'ya. Akala naman s'ya lang. su Kyle nga nahirapang pang maghanap ng ka-partner n'ya kasi ayaw daw n'yang pumunta sa Party kung hindi si Rain ang ka-partner n'ya. Pero tinakot s'ya ni Lolo. Kaya ayun bagsak sa taong hindi n'ya kilala.
Ako naman kahit sino nalang sa mga kaklase ko.
"Tara na Ellie!" tawag ni Andy. Hindi pormal ang suot ko dahil alas siyete pa naman yung Party. Ngayon ay manonood muna kami sa contest.
"Oo!" tugon ko saka lumabas ng kwarto, nakita ko silang lahat pwera kay Levi na anghihintay sa sala. "Si Levi?" tanong ko.
"Ayaw daw n'ya." sagot ni Luis.
"Asus tapos mamaya makikita mo na 'yang nanonood doon." si Andy. Wala talaga s'yang ginawa kundi ang mang-asar.
"Tara na nga." si Devon atat na atat talagang makita si Rain. Walang selosan, bahala na kung sino ang manalo. Kung may mananalo kasi mukhang hindi naman interesado si Rain sa isa man sa amin. Sabay-sabay na kaming lumabas ng mansion at kan'ya-kan'yang sakay sa bawat sport car. Nauuna si Andy, kaya hindi na kami magtataka kung bigla s'yang maaksidente.
"KYAAAAAAAAAAAAAAA!" isang nakabibinging ingay ang nadinig namin pagkababa ng kotse.
"HALLI!" tili nila, si Halli kasi talaga ang pinakasikat sa amin, bukod sa pumapangalawa ang itsura nito kay Levi, isa kasi s'yang modelo sa US. At patok talaga s'ya sa mga kababaihan.
"Ellie!"
"Luis! Notice me!"
"Andy!" di'ba apakaingay paano naman kung nasa field na kami ng soccer? May stage doon na inilagay.
"Napakaingay." reklamo ni Devon, samantalang noon gustong-gusto n'ya 'yon. Tinamaan nga talaga s'ya kay Rain. Isang babaeng simple at madaling mapansin kahit na walang ginagawa. Ang totoo humanga lang ako sa kan'ya nung nasa store kung saan ko s'ya unang nakita dahil sa lakas n'ya, pangalawa ay yung katagang iniwan n'ya.
'Hindi basehan ang laki o liit ng bagay na nakuha, ang mahalaga nanguha ka ng hindi iyo.'
Tama nga s'ya, ang mahalaga ay nanguha ka ng hindi iyo at dapat pagbayaran mo. Hanggang sa nakita ko ulit s'ya nung Lunes--unang araw ng pasukan, hindi ko agad s'ya nakilala dahil iba ang ayos n'ya. Mula ng araw na 'yon ay gusto ko na palagi ko na s'yang nakikita.
"Ang tahimik mo Ellie ah?" puna ni Kyle.
"Hindi naman, may naalala lang." sagot ko saka kami nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa field. Hindi mainit dito dahil may nilagay sila na panapal. Madami na ang mga nakaupo nasa unahan ang mga bisita na bihira mo lang makita sa school na s'yang magiging tagapaghatol. Naupo kami kung saan nasa likuran lang kami ng judge. Hindi makatili ang mga babae dahil nandito si Lolo, ang ASC o Assistant Supoort Coordinator, ang Administrator, Dean, at ang Principal na kinaiinisan ko. Si Lola. Sila ang mga judge.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...