CHAPTER 44:
*BOOGSH!*
May narinig akong bumagsak kaya napatingin ako sa likod ko.
O_O
"Levi!" utas ko at nilapitan ang walang malay na si Levi. "Hoy!" tawag ko at hinawakan s'ya, nagulat ako ng may lagnat na ito. "Keisha! Ellie!" tawag ko sa kanila. "Putcha! Hoy Levi tumayo ka d'yan o sisipain kita!"
"Anong nangyare?" tanong ni Luis na tumatakbo sa'min ngayon palapit.
"Bigla nalang s'yang bumagsak." sabi ko. Binuhat nila si Levi at nilapitan naman ako ni Keisha at Ellie.
"Ayos ka lang?" tanong nila parehas na ikinatango ko lang.
---***---***---***INFIRMARY***---***---***---
Nang madala s'ya sa Infirmary ay pinalitan agad s'ya ni Luis at Andy ng damit dahil basang-basa iyon. Pansin ko na wala ang nurse ngayon. Kainis bakit ba palaging wala!?
"Ayos na. Pero hindi pa din bumababa ang lagnat n'ya." si Halli.
"Ano ba kasing nangyayare sa inyo?" biglang tanong ko. Nakaramdam naman ako ng hampas mula ka Keisha.
"Alam mo bang hinanap ka namin kasi akala ko nawawala ka!?" aniya.
"Anong nawawala?" tanong ko.
"Kainis ka!" sigaw n'ya.
"Ok. Tsk mag-i-start na ang klase namin kailangan ko ng umalis." sabi ni Devon. Nginitian at kinindatan n'ya ako bago umalis.
"Ikaw na ang bahala sa kan'ya Rain tutal kasalanan mo naman." sabi ni Ellie na kinidatan ako. ELLIE! Pati ba naman ikaw!? At isa-isa na silang nagsilabasan! Hinawakan ko si Keisha ng akmang tatayo ito.
"May klase pa ako Rain, kasalanan mo 'yan." kunwaring galit na aniya nang nasa pintuan na s'ya ay nag-peace sign s'ya. Nakatulala lang ako hanggang sa masarado n'ya na ang pinto. Napakamot ako ng ulo sa sobrang inis! Nadinig kong umungol si Period. Napilitan akong tumayo at nagtungo sa sink para kumuha ng maliit na batya at puting tela para mapunasan s'ya sa noo n'yang nakakabanas.
Matapos ng ginawa ko ay humila ako ng monoblock na upuan at inilapit sa tabi ng higaan n'ya.
"Kabanas ka alam mo ba 'yon?" ngayon para akong tanga na kinakausap ko ang tulog. "Sarap mong takpan ng unan sa mukha para hindi ka makahingang abnormal ka!" inis na sabi ko at pinunasan ang kamay n'ya. "May DID kaba hah? Bipolar? Mood swing? Naglilihi? O may Period ka lang? o kaya naman ulam mo palagi ay ampalaya kaya mapait pati 'yang mukha mo? Bwiset kainis mabuti pa si Ellie eh! Ampangit mo 'pag tulog!" pang-aasar ko kahit alam kong hindi n'ya ako naririnig.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...