CHAPTER 20:

2.9K 85 0
                                    


CHAPTER 20:



Nakarating na ako sa White Palace, kusang bumukas ang gate para makapasok ako, pagkapasok ay hindi na ako nag-abala pang ipark ang sasakyan ko.


"Good Evening Sir." bati nung katulong sa'ken, tumango lang ako at nagdere-deretso sa kusina para uminom ng tubig.


"Ipaghahanda ko na po ba kayo ng makakain Sir?" pansin ng katulong ng makitang nasa kusina ako.


"Mamaya na wala pa yung iba." saad ko saka isinara ang ref.


"Sige po Sir." aniya saka umalis. Naupo ako sa sala at binuksan ang TV pero lumilipad ang isip ko. Naalala ko ang mukha ni Chloe kanina.


'Alam mo mabait ka.'


Sinabe sa'ken ni Chloe ang linyang iyon. Noong araw na unang naging kami.


'Alam mo mabait ka.'


Naalala ko din ang sinabe ni Rain. Wala sa sariling naisip ko s'ya! Kaya bigla akong napakamot ng ulo ko sa inis. Siguro kaya ko lang s'ya naisip dahil palagi ko s'yang nakikita, simula ng magpasukan--ay simula nung gabing bago magpasukan.


Nanood nalang ako ng TV para walang pumasok sa isip ko ng kung ano-ano.


Isang oras na ang lumipas wala pa din ang mga pinsan kong ugok.


"Hoy Levi!" sigaw ni Andy, mabilis itong naupo sa tabi ko at hinuli ang ulo ko. Inipit n'ya ako sa mga bisig n'ya.


"Andy! Let my fucking head go!" inis na sabi ko, dinig ko ang bungisngisan ng mga pinsan ko.


"Sabi mo babalik ka! Loko kang bata ka." anito at kinutusan ako.


"Aray! Isa Andy! 'Pag hindi mo ako binitawan babatukan kita!" inis na sabi ko. Kaya ayun binitawan n'ya ako. Sinamaan ko s'ya ng tingin sabay batok. "Ah! Binitawan naman kita ah!" atungal n'ya, inambahan ko lang ito.


"Masama ba ang pakiramdam mo kaya ka umuwi?" tanong ni Luis.


"Hindi." sagot ko. At tinuon ulit ang pansin sa TV humarang naman si Devon. "Devon tabe!" singhal ko sa kan'ya. Pero ang loko parang walang nadinig.


"Nagselos eh." si Kyle.


"Buti pa ako hinde." Ellie.


"Isip-bata kasi 'yang si Devon." si Halli. Sumimangot ako at tinadyakan ang likuran ni Devon. Kaya ayun tumama s'ya sa TV, kawawa ang TV at bumagsak. Ang end basag.


"Epal ka kasi Devon!" asik ko saka ko binato yung throw pillow sa kan'ya.


Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon