CHAPTER 2:

4.5K 146 3
                                    


CHAPTER 2:


"Nandito na po ako." usal ko at nilapag ang mga pinamili sa mesa.


"Magluto kana!" utos ni Mama. Napairap nalang ako sa ere. At dinala ang pinamili sa kusina. Sinigang nalang ang lulutin ko.


Hinugasan ko ang baboy ng maigi. Naghiwa ng sibuyas at kamatis. Pagatapos kong maasikaso ang paghahanda ay niluto ko na ito.



*20 Minutes later...*



Nang maluto ang pagkain ay nauna na ako dahil papasok pa ako, doon ako sa kwarto ko kakain para hindi ako mapagalitan ni Mama, ayaw kasi nila na ako ang nauuna. Ay s'ya lang pala.


Habang kumakain ako ay nag-FB muna ako ang daming naka-post sa newsfeed at iisa lang ang laman.


'My gawd! Halli Sanders? May girlfriend na!?'


'Ang swerte ni Ate na 'yon.'


'Iiyak na ako. #Halli_break_my_Heart'


Ano ba naman iyan!? =_=


Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko agad ang pinagkainan ko at naligo. Nagsuot ako ng itim na sweater na may hood kasi mukhang uulan at gabi pa ang uwi ko.


"Aalis na po ako." paalam ko, hindi ko na hinitay pa na sumagot si Mama dahil 'di rin naman s'ya sasagot. Sumakay ako ng Bus.


"Ito po." sabi ko at inabot yung bayad kinuha naman iyon ng konduktor.


Ipanasak ko ang earphone sa teinga ko at nakinig ng tugtog. At naghintay lang hanggang sa makarating ako sa pupuntahan ko.


"Para po." usal ko, at huminto naman ang bus sa tabe. Bumaba ako. "Ah." sabi ko pagkababa. "Sa wakas wala na din ako sa bahay." usal ko pa at ipinamulsa ang kamay ko sa sweater. Nagsimula na akong maglakad papunta sa Lili's Grocery Store. Tagalinis lang ako pero malaki ang sahod at lingguhan pa.


"Nandito na po ako." sabi ko at nakita kong nagmamadali si Ate Pia, ate ang tawag ko kasi yun ang gusto n'ya.


"Oh sakto, ikaw na muna ang magbantay at may pupuntahan lang ako." nagmamadaling sabi ni Ate. Naglakad ako papunta sa counter.


"Saan po?" tanong ko.


"Importante, oh sige basta 10 PM magsara ka na." sabi ni Ate, tinapik ako at tuluyan itong umalis, nagkibit balikat lang ako, at dahil wala pang tao ay nag-mop muna ako. Napansin kong may pumasok kaya naman ibinalik ko na ang mop at mabilis na bumalik sa counter. Pinagmamasdan ko lang ito ng palihim pero wala naman sa itsura n'ya ang pagiging mantatago. Mantatago ang tawag ko sa mga magnanakaw.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon