Chapter 76:

2.3K 55 1
                                    


CHAPTER 76:

Rain's POV

"Ha Kuya please?" I pleaded to him.

"Ugh Rain naman, ayokong sumama ikaw nalang." tanggi n'ya pa.

"Linggo ngayon! Bonding na tayo Kuya! Binakante ko na nga ito para sa ating dalawa eh!" patuloy na atungal ko, pinipilit kasi ako ni Levi kahapon bago umuwi gusto n'ya na mag-date daw kami. Pero tumanggi ako. It's time to treasure this time for me and for my brother.

"Ang kulit mo eh no?" napipikon na sabi n'ya, hindi ko binibitawan ang braso n'ya.

"Kuya naman! Dali na! magbe-birthday na tayo sa Wednesday oh!" sabi ko, napairap ito sa ere mukhang susuko na s'ya, kanina ko pa kasi s'ya pinipilit, ginising ko s'ya eh. Napangiti ako, tinignan ako ni Kuya ng masama at sa bandang huli napangiti rin.

"Wait." anito, binitawan ko na ang braso n'ya umakyat naman ito sa kwarto n'ya. Minarkahan ko ang kalendaryo, 27 ngayon.

"Hindi ba ako kasama?" biglang lumabas si Kin sa kwarto n'ya.

"Bukas tatlo tayo pag-uwe." sabi ko ngumiwi naman ito.

"Ayoko, sawa na ako sa mukha ng kakambal mo s'ya nalang palagi ang kasama ko." anito.

"Edi parang sawa ka na din sa mukha ko dahil magkamukha kami." sabi ko.

"Iba naman ang ugali." anito napangiti ako, may pagka-abnoy din pala itong si Kin.

"Hmmm sige bukas, dalawa lang tayo." sabi ko, tinignan naman n'ya ako sabay ngiti.

"Ayoko joke lang" biglang bawi n'ya, tinarayan ko lang s'ya. Naupo ako katabi n'ya dahil hinahantay ko si Kuya na mas mabilis pa yata sa pagong gumalaw kahit ang totoo ay wala pang limang minuto ang paghihintay ko. Pansin ko lang na parang hindi mapakali si Kin. -_-'

"Ayos ka lang?" tanong ko, gulat itong napatingin sa'ken, siguro kung hindi ko s'ya pinsan iisipin ko na may gusto sa'ken ito.

"Don't mind me." tanging sambit nito, nagkibit-balikat lang ako at naghintay kay Kuya.

"Rain." napatingin ako kay Kuya, napangiti ako dahil halos magkamukha lang ang suot namin, magkaiba nga lang ang kulay, plain pink rose ang kulay ng T-shirt ko at kay Kuya stripes.

"Ingat kayo." paalam agad ni Kin, nag-wave lang ako sa kan'ya, nagulat ako sa inasta nito dahil napaigtad ito at nag-iwas ng tingin. Problema n'ya?

Lumabas kami ni Kuya, kotse n'ya ang gamit namin, nakapagtataka lang na wala pa sa tamang edad si Kuya pero nakakapagmaneho na s'ya. Parehas lang naman kaming mag-e-18. si Keisha naman ay kaka-18 lang nung January, mas matanda s'ya sa'men ng buwan.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon