Chapter 36

2.8K 71 5
                                    


CHAPTER 36:

Rain's POV

Alas tres na ng madaling araw at kagigising ko lang. Medyo ok na ang hita ko dahil naipahinga ko na ito kagabe. Friday na ngayon. At sasahod na ako kay Ate Pia ngayon, sa katapusan naman yung sa Coffee Shop.

Kumilos na ako at gaya ng nakasanayan ko ang ginawa ko.

Nang bumaba ako at lumabas ng bahay ay nandoon na si Keisha, alam kong kahit kating-kati na s'yang magtanong ay pinigilan n'ya ang sarili n'ya.

"Wala na bang masakit sa'yo?" tanong n'ya ng huminto na ang sasakyan sa parking lot. Tumango naman ako at saka bumaba. Sabay kaming naglakad ni Keisha papasok. Pagkapasok ko sa room ay nakangiti ang ilan. Nagkibit balikat nalang ako at naupo, wala pa din si Chloe.

"Aaaaaaah!" may nadinig kaming sigawan ni Keisha, nagkatinginan kami saka mabilis na sumilip sa pinto.

-.- <------ ako

*O* <---- Keisha paano nakita na naman n'ya si Halli.

Nakita ko si Levi na hindi man lang ako tinignan. Madapa ka sana.

Si Luis ay nginitian ako.

At ang natitirang lima ay kinindatan ako? Pasalamat sila at good mood ako ngayon. Kaya naman nginitian ko sila, kinwento kasi sa'ken ni Keisha habang nasa biyahe ay pinaghahahanap nila ako kagabe. Hindi nakuntento si Devon at kinawayan ako. Kaya kinawayan ko din s'ya.

"Naks ah, hindi mataray." bulong ni Keisha. Ngayon ang anim ay nasa harapan ko samantalang si Levi ay may distansya. Ang sarap n'yang batuhin.

"Aba, ang bait mo naman ata ngayon." papuri ni Ellie. Kunwaring inirapan ko lang s'ya. Kaya pinisil n'ya ang pisngi ko!

"A-Aray!" inda ko dahil masakit pa din 'yon.

"So-Sorry!" biglang utas n'ya. Inambahan ko lang ito.

"Kainis naman si Ellie! 'Wag mo namang saktan si Rain!" asik ni Devon, lahat kami ay natahimik sa sinabe n'ya. Ang OA n'ya po.

"Sira!" sabi ko at binatukan s'ya.

"Aray! Napakabrutal mo!" kunwaring reklamo n'ya. Inirapan ko lang s'ya.

"Wala ba kayong klase?" tanong ko.

"Meron gusto ka lang namin tignan kung pumasok ka." sagot ni Halli.

"Nakita n'yo na ako, kaya pwede na kayong umalis." pangtataboy ko sa kanila.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon