CHAPTER 13:
"Malamang pikon! Kargahin ba naman ang isang babae sa harap ng maraming istudyante?" si Andy. Nakasimangot naman si Ellie, Devon at kunwari pa si Halli pero gusto n'ya ding sumimangot.
"Ako na ang bahalang magsabi sa teacher namin kapag wala pa si Levi." napipilitang presinta ni Devon. Pumasok na ako sa room ko kasama si Andy.
Rain's POV
Nahihilo pa ako! @__@ humawak ako sa ulo ko at nagmulat ng mata.
"Puting kisame?" bulong ko. Ah nasa Infirmary pala ako =_=. Napalingon ako sa kanan ko, may kama doon at walang nakahiga. Lumingon ako sa kaliwa ko at halos mapaatsras ako pakanan ng makita si Levi! Shet anong ginagawa n'ya dito!? Hindi ako gumagalaw sa kinahihigaan ko at tinitignan lang ito, nakaupo, mag kakrus ang mga kamay, mukhang natutulog dahil nakayuko pa ito at nakadikwatro ang paa. Ang amo n'ya kapag tulog.
"'Wag mo akong tignan." napataklob ako ng kumot ng bigla itong magsalita. Shet gising pala ang damuho. "Alam kong gising ka kaya alisin mo na 'yan." utos nito, kunot-noo kong tinanggal ang kumot na nakatakip sa'ken.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko, hindi ako tumayo dahil nananakit ang sikmura ko.
"Tanungin mo ang magaling mong kaibigan." sarkastikong sagot nito.
"Bakit? Anong oras na ba?" tanong ko.
"10:20 AM." sagot n'ya. Nanlaki ang mata ko.
"Oh eh ano pang ginagawa mo dito? Wala kang klase?" tanong ko.
"Ayaw nga akong paalisin ng kaibigan mo." kunot-noong sabi n'ya.
"Edi umalis ka na ngayon, gising naman na ako." sabi ko at matalim n'ya akong tinignan.
"Papapasukin mo ako kung kailan late na?" sarkastikong sabi n'ya. Kung sabagay. Hindi na ako nagsalita at tinitigan ko nalang ang kisame. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong n'ya. Tinignan ko ito at nasa saradong pintuan ang tingin n'ya.
"A-Ayos naman." sagot ko.
"Ba't hindi ka man lang lumaban?" tanong nito.
"Makakalaban ba ako kung nanghihina ako?" pama-mrangka ko.
"Tsk, grabe ka naman pala kung manghina." bulong nito kaya walang habas ko na ibinato yung unan sa kan'ya.
"Tibay, kapag ako gumaling kahit lahat pa kayo!" singhal ko. Tinignan n'ya lang ako ng masama. Bumaling ang tingin ko sa nurse desk, nangunot ang noo ko ng makitang nakayuko ang nurse at mukhang natutulog.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...