CHAPTER 86:
Rain's POV
"Ate Rain akala ko ba dito ka magka-college?" parang batang atungol ni Nayeon.
"Miss ko na kasi ang mga kaibigan ko eh." sabi ko. And that's true, miss ko na pati si Levi, wala naman sigurong masama kung pakikinggan ko ang kasinungalingan n'ya. Now ito na ang kasabihan ko "Explanation was made to protect their side and to make someone believe in their own lies." o ha? Teka nasabi ko na yata 'yan.
"Hayaan mo na si Noona Nayeon atleast nakasama natin ang long lost pinsan natin. Di'ba Rain?" si Jinyeon first time na tinawag n'ya ako sa pangalan ko. Tumango ako draduation day nila ngayon at ako naman katatapos lang si Lolo ang pumunta sa'ken.
"Bumusita nalang kayo doon ah?" sabi ko tumango si Nayeon. "Annyeonghi gyeseyo." paalam ko.
[Translation: Goodbye {If you are leaving}]
"Annyeonghi gaseyo Unnie/Noona." sabay na sabi ng kambal. I hug them for the last time.
[Translation: Goodbye {if you are staying}]
Lumabas na ako. Masakit man pero hindi kami magkakaayos ni Levi kung patatagalin ko pa ito.
Levi's POV
"Pupunta ka na?" tanon ni Luis. Nakangiting tumango ako.
"Hmm. Nasa Korea daw s'ya, binigay ni Ran ang address sa'ken." sabi ko habang inaayos ko ang gamit ko.
"Goodluck sana magkaayos na kayo." sabi ni Devon.
"At sana makahanap kana ng babae para sa'yo." sabi ko.
"Elisha naman!" napatingin kami sa sala, nandito lahat ng kaibigan namin, nila pala kasi hindi talaga ako friendly. But I'm happy na nakikilala ko ang kaibigan ni Rain at kapatid.
"Kin sagutin mo na ako! Sinunod ko naman yung sinearch ko eh!" atungal ni Elisha.
"'Yan." sabi ko ng matapos ako sa ginagawa kong pag-aayos. Lumabas kaming tatlo sa kwarto ko dala ang gamit ko, kumakain ang apat na babae, si Ran ay tahimik lang sa sulok ang mga pinsan ko ay natatawa kay Kin at Elisha na naghahabulan may hawak si Elisha na bulaklak -__-. Yung totoo?
"Oh Levi. Aalis ka na?" puna ni Halli nitong umaga lang din kami nagkaayos ni Halli. I nodded.
"Levi sasapakin talaga kita kapag hindi po napauwe si Rain dito!" banta ni Ellie. Napangiwi ako.
"Hindi ko na talaga s'ya pauuwiin dahil inaabangan mo eh." biro ko.
"Hoy h'wag ka, baka magselos si Ana." banat ni Kyle.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...