Chapter 25:

2.7K 76 1
                                    


CHAPTER 25:

Levi's POV

Pagkauwe namin sa mansion, as usual napakaingay.

"Hoy Levi! Sumali kana!" pamimilit ni Andy.

"Ayoko nga!" tanggi ko at naupo sa sofa.

"Arte. Magaling ka namang sumayaw at kumanta ah." si Ellie.

"Oo magaling din ako manipa, kaya lumayas ka sa tabi ko kung ayaw mong sipain kita." inis na sabi ko.

"Sungit mo talaga." si Luis.

"Eh bakit kayo? Pare-parehas lang naman tayong marunong ah. Ba't nagsinungaling pa kayo kay Rain?" kunot-noong tanong ko.

"Excuse me. Sir nandito po ang PA ng Chairman." sabi nung Mayordama. Umalis ito at dumating naman ang PA ni Lolo.

"Ano ang ginagawa n'yo dito?" tanong ni Devon.

"Nasaan si Lolo?" tanong ni Halli.

"May pinapasabi po sa akin ang Chairman. Tungkol ito sa gaganaping event sa school n'yo." panimula n'ya.

"Sabi na, si Lolo na naman ang nag-utos no'n." bulong ko.

"Bakit daw?" tanong ni Luis.

"Kayo ang magiging speacial guest kaya kailangan n'yong humanap ng kapartner n'yo sa Party." aniya. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Kailangan pa!?" inis na tanong ko.

"Mmmm. Darating kasi ang Chairman sa gabing iyon at iyon ang gusto n'ya." sabi n'ya pa.

"Si Rain ang yayayain ko!" sabay na sabi ni Devon at Ellie, kaya naman gulat na napatingin yung PA ni Lolo sa kan'ya na para bang hindi makapaniwala na may pinag-aagawan silang babae. Napaclear throat ito saka umalis. Naiiling na umupo ako. Sino naman ang yayayain ko? Eh wala naman akong ibang babae na kilala bukod kay Chloe, Rain at Keisha, hindi ko nga kinakausap ang mga kaklase kong babae. Wala sa sariling napatayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko.

Ayoko namang yayain si Chloe dahil wala na akong balak pang lapitan s'ya. Kung mga kaklase ko naman, mga medyo 'mahaharot', kung si Keisha masyadong maingay, kung si Rain mukhang hindi na pwede dahil aayain s'ya ng mga pinsan ko.

Sino ba ang pwede?

Hindi ako pwedeng tumanggi kay Lolo, kahit pa bastos ako sa kan'ya alam kong nababanas din ang ukluban na 'yon. Ayokong mapahiya sa Party no.

Sino?

Rain?

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon