CHAPTER 60:
"Number 1 raise your hand." sabi ni Ma'am at ayun may pares na nagtaas, doon ko lang napansin na parang kulang ng isang lalake. "Number 11." sabi ni Ma'am napansin ko na naglakad si Levi kasunod ng 10 kasama si? Patchot -__- si Patchot pala ang ka-partner n'ya
"Ma'am!" lahat kami ay napatingin sa pinto dahil sa bagong dating.
"You're late Mr. Ellie Sanders." sabi ni Ma'am ngumite si Ellie.
"I think na hindi naman ako late sa ka-partner ko." sabi nito na tinignan pa ako.
"12 Rain and Ellie pwesto na." si Ma'am. Naglakad ako na parang tuod dahil ang pattern ay nasa kanan ang babae at kaliwa ang lalake. Edi bale ang nasa kaliwa ko ay si Ellie at ang nasa tabi kong isa ay si Levi! >__<
"Shush chill ka lang." sabi ni Ellie sa'ken. Hayop talaga s'ya. Isang gwapong hayop.
Blah blah blah blah. Nagtuloy sa pagpapaliwanag si Ma'am. Ang unang mangyayare ay Rampa daw solo sunod with Partner. Tapos rarampa with your sexy clothes bawal ang naka 2-piece dahil madaming mga malisyoso. Tapos with an elegant dress at tapos ang QA portion na.
"At ikaw Rain." agaw pansin ni Ma'am sa'ken dahilan para mapatingin ang lahat sa'ken pwera kay Levi pansin ko dahil nasa tabi ko lng s'ya.
"Yes Ma'am." tugon ko.
"Before we start that pageant magkakaroon pa tayo ng Opening Number na ikaw mismo Rain ang gagawa kaya huli ka." nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "At si Patricia from Crick ang bahala sa Closing." dagdag n'ya pa.
"Ma'am naman." reklamo ko. Nag-peace sign lang s'ya kaya napabuntong hininga ako.
"Kaya mo 'yan Rain." sabi ni Ellie. Nginitian ko lang s''ya. Ang swerte ko na din siguro dahil si Ellie ang kapareha ko dahil pinalalakas n'ya ang loob ko. Abnormal ka kasi Ellie kung may gusto ka siguro sa akin noon na at may gusto ako sa'yo sana masaya tayo. -__- grabe pala ako kung makapgpantasya.
-
-
-
-
-
-
Nagpractice kami hanggang sa maghapon, ang pinractice namin ay yung lakad tapos yung posisyon kung saan ka hihinto.
"Hello Kuya?" tawag ko sa cellphone matapos ang practice.
"Oh?"
"Sunduin mo naman ako oh."
"Bakit nasaan ka ba?" hindi nga pala n'ya alam na kasali ako.
"Nasa school. Dalian mo ah puntahan mo nalang ako dito sa gym." sabi ko.
"Hmmm." anito saka ko binaba ang tawag.
Binulsa ko ang cellphone ko at kinuha ang bag ko.
"Rain, una na ako ah?" paalam ni Pat, tumango ako at naupo lang sa bleachers. Umalis na s'ya.
"Oy!" kinalabit ako bigla ni Ellie -__-
"Kainis ka." sabi ko.
"Oh." sabi n'ya at inabot ang isang bote ng juice. Kinuha ko naman iyon.
"Salamat." sabi ko at binuksan 'yon.
"Parehas kayong baliw." sabi n'ya, nangunot ang noo ko at napatingin sa kan'ya. Nakatingin naman si Ellie sa malayo.
"Kami? Baliw? Pati ako? Sino naman ang isa?" inis na tanong ko.
"Pinaparaya na nga kita sa pinsan ko nag-iiwasan pa kayo." sabi nito na ikinatigil ko. "Alam ko na gusto mo na si Levi...gusto din kita." bigla akong napatingin sa kan'ya! Waa! Mwoya ige! [Translation: what is this!] "Gusto mo s'ya, gusto ka n'ya kaya wala akong laban...kaso mas'yado lang tanga si Levi at pinababayaan ka lang. At pinipigilan n'ya lang ang nararamdaman n'ya...pero kung gaganituhin ka lang ni Levi nanakawin kita Rain, ayokong malungkot ka sa taong hindi ka pinahahalagahan." mahabang salaysay nito napadiin ang pagkakahawak ko sa bote. "Pero hindi ngayon, hindi bukas o sa isang linggo...oras na umiyak ka ng dahil sa kan'ya. Hindi ako magdadalawang isip na kunin ka sa kan'ya Rain." ngayon ay nakatingin na s'ya sa'ken, ngumiti ito at bahagyang ginulo ang buhok ko saka s'ya umalis.
"Please gawin mo 'yon Ellie..." bulong ko sa sarili ko at pumatak na ang luha ko. Kahit naman ako eh, hindi ko naman talaga alam kung paano ako nagkagusto sa taong 'yon kasi masyadong mabilis ang mga pangyayare. "Kunin mo ako Ellie." bulong ko at pinunasan ang luha ko.
"Rain." tawag ni Kuya. Kinuha ko ang gamit ko at nilapitan na si Kuya.
"Tara." sabi ko. Kinuha ni Kuya ang gamit na bitbit ko.
"Kasali ka sa pageant?" tanong n'ya.
"Mmm. Nabunot ako eh." tugon ko. Tumango si Kuya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Grabe! Magkamukha nga talaga sila!"
"Kaya pala sabi ko sa sarili ko may kamukha si fafa Ran."
"Huhuhuhu!"
Ano ba 'yan napakatagal na naman nilang alam ah ba't nagbubulungan pa din?
______________
______________
Lumipas ang ilang araw na nakatuon lang ako sa klase ko. Lagi akong pinupuntahan ng anim dito kapag break, ayaw kasi ako palabasin ng mga kaklase ko sa room dahil daw baka maaksidente ako. Well akala ko nag-aalala sila para sa'ken 'yun pala ay dahil sa pageant -__-. Sa isang linggo ay dalawang beses lang si Chloe na pumasok. Hindi ko na din nakikita si Levi pero ang sabi ay pumapasok daw s'ya wala naman akong pakialam kung pumasok s'ya o hindi wala nga din akong pakialam kung magkasama sila nila ni Chloe eh hindi naman kasi mahalaga iyon.
Madami kaming mga activities na ginawa sa klase. Pinaghahandaan na din nila ang stage na gagamitin at mga decorations ako naman bukas ko pa aasikasuhin ang susuotin ko dahil sabado bukas. At ngayon ay gagala kami ni Cade. Kainis nakalimutan ko na nga 'yon eh pinaalala n'ya lang.
"Rain? Susunduin ka ni Cade?" tanong ni Keisha.
"Mmm." tugon ko.
"Ayie! May kapalit na ba?" nang-aasar na naman po s'ya.
"Ewan! Eh ikaw? Akala ko ba si Halli ang crush mo eh bakit si kuya ang bukang bibig mo?" sabi ko, nginusuan n'ya lang ako.
"Ang sungit mo talaga! Akala ko naman kapag nakaalala ka na magiging mabait ka." sabi nito saka alis. Bwiset nagtampo-tampuhan pa. "Hey kwentuhan mo ako ah?" pahabol nito saka umalis. Sinukbit ko na ang bag at lumabas sakto namang may humintong gray na kotse sa harap ko. At si Cade 'yon. Bumaba ito.
"Tara?" anito. Tumango ako.
"Oh my god! Ang gwapo ni Kuya!"
"Boyfriend ba 'yon ni Rain!?"
Napailing ako sa mga bulungan mga bwiset nilalangaw na naman ako. Sakto namang paglingon ko sa parking lot nakita ko si Levi na sa amin ni Cade ang tingin. I HATE YOU LEVI but I think I still LIKE you. Sumakay ako ng kotse ni Cade at hindi na ako tumingin sa labas.
"Grabe naman pala dito sa school n'yo Rain daming langaw." sabi ni Cade ng makasakay s'ya sa kotse n'ya. Napangiti lang ako sa sinabe n'ya.
A/N: Megad mga bebs! thanks! malapit na akong maka 1k reads! aylabyu hahaha
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...