Chapter 87:

2.7K 63 3
                                    


CHAPTER 87:

Rain's POV

[YEAR: 2024]

Lumipas ang ilang ilang taon, 7 years na akong trainee, kaunting tiis pa rin at magiging doctor ka na! Nandito ako ngayon sa kwarto ko ang mga ka-roommate ko ay nasa labas hindi ko alam ang mga ginagawa samantalang wala naman gaanon pasyente. Banas nga ako kasi si Khisha ay wala din, nakikisabay pa si Levi na hindi man lang nagcha-chat. Nambababae na naman siguro ang loko. Tapos ang nakakalungkot pa birthday ko pa ngayon, si Kuya naman busy sa opisina ni Lolo si Lolo naman busy sa apo n'ya kay Kuya. Amin nga pala itong hospital na ito.

Mahuli ko lang talaga s'ya i-injection-an ko ang kinabukasan n'ya jowk.

Hays....

Buti pa si Khisha at Halli LDR pero always may communication, si Levi naman nasa kabilang hospital lang pero bihira lang kami makapag-usap. Nagmo-modelo kasi si Halli, taena pero mas sikat si Levi eh.

"Ms. Leigh." bahagya akong napalingon sa pinto, ang kamay ko kasi ay nakatukod sa mesa at ang mukha ko ay nakapatong sa mga palad ko.

"Alin po iyon Doc. Hana?" tanong ko, tumayo ako kasi nakakabastos naman sa isang Doctor ang isang trainee na nakaupo.

"May ipapabili sana ako sa'yo sa labas kung pwede." anito, hindi ko pinahalata na nabadtrip ako.

"Oo naman po." sagot ko.

Nang masabi n'ya kung ano ang pinabibili n'ya ay bumaba na agad ako, wala akong nakakasalubong na kapwa trainee ko, grabe off ba nila ngayon? Badtrip ah. Nang makalabas na ako ng hospital nagulat nalang ako ng may nagtakip ng panyo sa'ken dahilan para mawalan ako ng malay.

*******

Pagmulat ko, ang dilim dahil sa nakapiring ako, ramdam kong nakatali ang kamay ko. Takte nasaan ba ako!?

Nakaramdam tuloy ako ng panghihina, sa pagkakataong ito, walang Levi o iba pang Sanders na tutulong sa'ken. Hindi ko matutulungan ang sarili ko kung nakatali ako.

Napaangat ako ng tingin ng biglang may magtanggal ng piring ko.

"Hi Rain."

Teka?

"Jame?" usal ko, nakita ko na katabi nito si Lhian, teka? Akala ko ay nasa Russia s'ya matapos n'yang ma-coma? Ngayon ay masasabi kong anlaki ng pagbabago n'ya, balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok.

"Long time no see." aniya, pero bakit parang kakaiba ang tono ng pananalita n'ya? Ito namang si Lhian, nakakausap ko na ito ang kaso bakit kasabwat s'ya ng kapatid n'ya?

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon