CHAPTER 10:

3.5K 93 0
                                    


CHAPTER 10:



*BRIZZZK~*



Nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.


"Hello?" sagot ko.


"Anong oras na nasaan ka?" tanong ni Ellie.


"Pauwi na ako." sabi ko at binabaan agad ito ng linya. Mabilis ko ding nilisan ang lugar na iyon.

-

-

-

-

-

-

"Saan ka ba galing?" tanong agad ni Devon.


"Wala." sagot ko at pumasok agad ng kwarto ko.



Rain's POV



"Ughk!" usal ko ng biglang sumakit ang ulo ko sa kalagitnaan ng tulog ko. Nakapikit kong inabot ang bag ko at kinuha ang cellphone ko. 2:12 AM?


Hirap akong bumangon at tinignan kung nasaan ako.


"Kwarto?"


"Kwarto..."



O_O



"Paano ako nakauwi?" bigla akong nagising. Tumayo ako ng kama at ang suot ko ay yung suot ko kagabi. Inalala ko kung paano ako nakauwi. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit hindi ko nakuha yung pera ano? Tsk! Lumabas ako ng bahay kahit madilim pa para kunin yung mga gamit na itinago ko sa secret storage namin ni Keisha.


Pagkabalik ko sa kwarto ko ay nagplantsa na ako. Habang nagpaplantsa ako iniisip ko yung nangyare kagabe. Paano ako nakauwe? Posible ba na makasakay ako ng bus? Kung lasing ako?


Pagkatapos kong magplantsa ay naligo na ako, nakitang kong may nakahain na sa mesang almusal kaya hindi na ako nagluto. Inayos ko na ang sarili ko.



*TING!*



~Keisha Hart Hart~



Nandito na ako sa tapat ng bahay n'yo.


~Ako~


Sige pababa na ako.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon