CHAPTER 14:

3K 87 1
                                    


CHAPTER 14:



"Selos nga sila oh!" si Luis. Kunwari wala akong naririnig. ((-_-)) tutal hindi ko naman alam ang sinasabi nila.


"Selos? Pati ikaw Halli?" dinig kong tanong ni Keisha, sige managap ka lang inpormasyon, at paglabas ko kutos ka saken.


"Konti lang, pero si Devon, Ellie, at Kyle grabe! Hindi maipinta ang mukha!" natatawang sabi ni Halli.


"Wow Halli ah? Ako? Nakasimangot? Sino ba sa ating dalawa? Pilit nga 'yang mukha mo eh!" tanggol ni Kyle sa sarili n'ya.


Ano ba ang pinag-uusapan ng kulugo na 'yon.


"Hindi! Lahat kayo! Iisa lang ang mga mukha n'yo kanina!" natatawang sabi ni Luis. "Mga selos na selos!" sakto namang lumabas ako, biglang natahimik ang presensya nila. Kunot-noo akong naupo sa kama, at pinakikiramdaman nila ako. Kinuha ko ang bag ko at inilagay doon ang pinagsuotan ko.


"Keisha." tawag ko at sinenyasan ko itong lumapit. Lumapit naman agad s'ya na kunwari ay may ibubulong ako.


"Aray!" reklamo n'ya ng bigla ko s'yang batukan. "Ano na naman ba!?" galit na tanong n'ya.


"Ba't mo binigay yung number ko?" bulong na tanong ko.


"Makakatanggi ba ako sa crush ko?" aniya. Napailing nalang ako saka tumayo at naglakad.


"Saan ka pupunta?" tanong nilang lahat pwera lang palagi sa isa. At hinarangan pa ang dadaanan ko.


"Papasok na." sagot ko.


"Magaling ka na ba?" tanong ni Kyle.


"Nahihilo ng kaunti, masakit ang tiyan, at may lagnat pero hindi na gaya kanina, kaya ko na ngayon." walang gana kong sabi. At saka naglakad pero humarang ulit sila.


"T-Teka, hindi ka pa pala ok eh." si Halli.


"Sipain kaya kita? Alis." utos ko sa kanila, dumaan ako sa kanan pero hinarangan nila ako. Dumaan ako sa kaliea at hinarangan na naman nila ako.


"M-Magpahinga ka na muna!" pigil ni Keisha.


"Ano bang nangyayare sa inyo!?" iritado kong tanong at hinawi sila, nagulat ako pagkabukas ko ng pinto andaming mga babae sa labas!


"Hoy! Malandi ka!"


"Nagpapapansin ka kay Kyle ko!"


"Layuan mo si Andy ko!"


"Papansin ka!"

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon