CHAPTER 71:
__________________
__________________
"Rain?"
"Hoy Rain.."
"Pssst, gumising ka na alas sais na ng gabi.."
"HOY!" napabalikwas ako sa pagkakahiga ko ng may sumigaw sa teinga ko. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Kin na naka school uniform.
"Kauuwe mo lang?" tanong ko.
"Hmmm andaming inasikaso eh, sinabe ko na tulungan mo ako eh." sabi nito, tinarayan ko lang s'ya doon ko lang napansin na nasa sala pala ako. Dito nga pala ako nakatulog.
"Si Kuya?" tanong ko.
"Nagluluto yata." sabi nito.
"Sige magpapalit lang ako, dito pala ako nakatulog." sabi ko at kinuha ang bag ko. Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit agad ako ng damit saka bumaba para makakain na.
"Nakakainis yung Elisha! Badtrip! Laging pumupunta sa SSG office." dinig kong sabi ni Kin na ikinangiti ko.
"Type ka no'n." si Kuya, naupo naman ako sa upuan at naghintay sa niluluto ni Kuya. Namimiss ko tuloy sina Mama Papa at Snow.
"Ih! Ayoko sa kan'ya." tanggi nito at naupo sa tabi ko. Nangunot ang noo ko kaya naman sinipa ko ang inuupuan n'ya para malaglag s'ya. "Ah!"
"Lumipat ka, ayaw kitang katabi." sabi ko sa kan'ya, ang sama ng tingin nito sa'ken ng maupo sa upuang katapat ko
"Sana ganito nalang yung ugali ni Elisha at baka magustuhan ko pa s'ya." sabi ni Kin. Inirapan ko lang s'ya.
"Si Ana." sabi ko. "Antukin, matapang, sarkastika, at abnormal. S'ya nalang." sabi ko. Inirapan ako ni loko, ba hanep ka-lalaking tao napakataray. Kinuha ko ang pitchel at nagsalin sa baso.
"Pupunta daw si Kendle dito." biglang sabi ni kuya kaya nagulat ako at naibuga ang tubig kay Kin!
"SHIT! RAIN!" inis na sabi nito.
"ANO? Si Kendle?" pag-uulit ko.
"Oo yung ex-crush mo." sabi nito, naging crush ko kasi Kendle bago si Allen, grabe anlandi ko naman pala nung bata ako -__-. Ang gwapo nga no'n ni Kendle eh, kaso college na s'ya eh, mas matanda s'ya samin ni Kuya ng dalawang taon.
"Sorry Kin." paumanhin ko, ang sama ng tingin n'ya, 'yan mas ok kung ganito kami palage ayoko yung sweet s'ya dahil nakakailang.
"Sorry your face! Sinadya mo 'yon!" aniya na ikinangiti ko lang. Natigilan naman ito at nag-iwas ng tingin? Eh? Anong problema n'ya?
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...