CHAPTER 16:
Nasa Hardy Park sila at nakaupo, nakabukod naman si Levi at nakahiga, mukhang natutulog.
"Saan naman kaya s'ya magsisimulang maglinis?" tanong ni Luis. Lumapit ako at nakiupo.
"Hindi pala s'ya papasok ngayon sa trabaho n'ya?" tanong naman ni Halli. Mukha lang akong tanga na nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila.
"Natural, cleaning service eh, maglilinis s'ya kahit panghapon na ang session." sagot ni Andy. O_O
"Oo nga! Patay!" biglang usal ko. Napapikit ako...
"Patay talaga kasi buong ito ang lilinisin n'ya. Aabutin karin ng 7 pm dito." ani ni Kyle.
"Hindi!" pag-iinarte ko. Naku patay ka Rain!
"May problema ba?" tanong ni Halli.
"Madaming galit sa kan'ya na mga pang-hapon." sabi ko. Oo andami.
"Bakit naman?" usisa ni Devon.
"Syempre madami ang nag-iisip na mayabang si Rain porket matalino at kayang magpataob ng sampung tao." sabi ko.
"Tsk." dinig kong singhal ni Levi, pero nabingi lang yata ako kasi paglingon ko sa kan'ya nakapikit ito.
"Pero sapalagay ko, hindi kaya ni Rain ang mga panghapon dahil sa dami nila, isa pa nanghihina pa 'yon." dugtong ko.
"Palaaway ba si Rain?" tanong ni Kyle. Umiling agad ako.
"Hindi, self-defense lang ang ginagawa n'ya, minsan napupurahan n'ya." sagot ko. "Hindi s'ya kailanman nangsimula ng isang away at hindi din n'ya pinagyabang ang kakayahan n'ya sa taekwondo at Karate." sabi ko ulit.
"Wala tayong magagawa kundi respetuhin ang desisyon n'ya." saad ni Luis.
"Tutulungan ko s'ya." presinta bigla ni Devon.
"Ayaw n'ya ng may tumutulong sa kan'ya." naiiling na sabi ko.
"Bakit? Pwede namang palihim ah?" si Ellie.
"Pa'no? Hindi n'yo nga alam kung ano ang una n'yang lilinisin o 'di kaya ang sunod." kontra ko ulit.
"May arrangement 'yon. Malamang may ibinigay na sched. Card 'yun si Lhian sa kan'ya." sabi ni Halli. Bigla akong napatayo napatingin naman sila sa'ken.
"Kukunin ko." nakangiting sabi ko. Ngumiti din sila. x_x ampogi talaga nila! Wala sa sariling nagsimula akong maglakad, sinimulan ko sa building ng grade 7. Hindi ako nahirapan dahil nakita ko na agad s'ya.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...