Chapter 38:

2.7K 77 0
                                    


CHAPTER 38:

"Keisha mauna kana kasi ipapalinis ko ulit itong sugat ko." nakasimangot kong saad.

"Sige, pero teka ba't nakasimangot ka na naman?" puna n'ya inis na sinara ko ang locker ko.

"Wala." tugon ko. "Sige punta na ako sa Infirmary." sabi ko.

"Ingat ka ah." paalala n'ya. Nice one Keisha pinaalalahanan akong mag-ingat sa tukmol na na si Levi na may period araw-araw.

"Ikaw din ingat sa pagda-drive." tugon ko at nagdere-deretso na ako sa Infirmary.

Pagkapasok ko.

=__= <---- ako

-_- <--- Levi.

Gusto kong ibato sa mukha n'ya yung bag ko! Grrr! Nakakapanggigil s'ya ng laman. Hindi na ako umimik at naupo lang ako sa higaan. Tumayo itong si Period at kumuha ata ng kit. Hindi talaga nagsasalita ang abno. Seryoso ito ng lumapit at naupo sa upuan na nasa harapan ko.

Nakaramdam ako ng awkward~ magkapantay na ang tingin namin. Kainis kang Period ka bakit ba pinakakaba mo ako ng ganito! Itinagilid ko na ang ulo ko para mapalitan n'ya na yung nasa leeg ko. Nangilabot ang buong katawan ko ng maramdaman ang mainit n'ya kamay! >>__<<! Hindi ko naman naramdaman ito kanina ah!

Naalala ko ang mga mata ni Levi kagabe galit na galit si Period. Pero nung mga oras na 'yon gusto kong mangyakap sa sobrang takot pero buti nalang galit ang ipinakita n'ya kagabe...TEKA ANO BANG SINASABE KO!? Mangyakap? Ako? Ew talagang sa may period pa ah! Bigla akong napailing sa pinag-iiisip ko.

"Ah!" usal ko dahil nililinis nga pala ulit nitong lalaking may mood swing na naglilihi ang sugat ko.

"'Yan dumugo na!" aniya. Ansakit.

"Ano ba kasi yung tumama?" tanong ko.

"Manahimik ka nga d'yan." galit na aniya. Naku! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kan'ya! Punyeta kang lalaki ka! Ba't ba natatakot na ako sa'yo! T__T I hate this pelings! Naramdaman kong patapos na s'ya sa ginagawa n'ya.

"Masakit pa ba?" tanong n'ya bigla. Ano ba!? Kainis talaga ang taong ito!

"H-Hindi na!" inis na tugon ko saka inayos ang pwesto ng ulo ko ng matapos s'ya. Tinignan n'ya ako ng masama, kaya tinignan ko din s'ya ng masama.

"Ano!?" inis na tanong nito.

"Putcha bakit ba galit ka!? Ano bang problema mo!? Kanina ka pa ah! Ni hindi mo nga ako tinignan kaninang umaga!" inis na talagang sabi ko. Parang nagulat naman ito sa sinabe ko.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon