Chapter 64:

2.4K 64 1
                                    


CHAPTER 64:

Friday....

Maaga akong pumasok para puntahan si Rain, hindi na ako tinanong ng mga pinsan ko kagabe ng makauwe ako dahil nahalata siguro nila.

"Kyaa! Levi!"

"Ang gwapo talaga ni Levi!"

"Fafa Levi!"

Wala akong pinansin maski man isa at tinungo ko ang room nila Rain.

"Oh my god..." ani ng mga kaklase ni Rain. Bagsak ang balikat ko ng walang Rain akong nakita. Kahit si Keisha ay wala. Napatingin ako sa relo ko alas singko palang ng umaga, maaga pa kaya siguro ay wala pa s'ya. Naghintay lang ako sa corridor sa tapat ng room ni Rain... dumating si Chloe at nginitian ako, nginitian ko lang din s'ya. We are ok now. Nagkita kami kagabe ng pauwe ako at sinabe ko na sa kan'ya na ayoko na lokohin pa ang sarili ko ang buong akala ko ay magiging kontra s'ya sa desisyon ko but I was wrong ang sabi n'ya "I want you to be happy Levi, thank you for making me realize what's the true meaning of love." 'yan ang sabi n'ya, hindi ko naman alam ang punto n'ya pero ayos na din yung pumayag s'ya.

15 minutes later...

 

Wala pa din si Rain at Keisha, ilang minuto nalang at magsisimula na ang klase.

10 minutes later...

Napagdesisyunan ko ng umakyat sa room dahil late na ako ng five minutes. Hindi ako napansin ng teacher ko na na-late ako dahil nakatalikod ito. Naupo ako at nakinig sa lesson. Kahit wala akong maintindihan. Pansin ko ang mga titig ni Devon na hindi ko man lang magawang tignan. Kainis!

-DISCUSSION-

-DISCUSSION-

-BREAK-

Sabay kami ni Devon na nauna sa cafeteria. Sa room nila Rain kami dumaan at wala s'ya pati si Keisha. Absent yata.

"Bwa!" biglang gulat ni Andy, nakaupo kami ni Devon ng dumating silang lima.

"Wala s'ya ah." saad ni Luis at naupo sa tabi ko. Napabuntong hininga ako.

"May problema daw s'ya eh." sabi ko at nilaro ang kutsarang hawak ko.

"Ano naman kaya 'yon? Wala din si Keisha at ang mga kaibigan n'ya ng tignan namin sa mga room nila." sambit ni Ellie.

"Kahit si Ran ay wala." si Halli.

"Hays." sabay na buntong hininga ni Andy at Kyle. Kainis naman pinaglalaruan lang yata ako ng tadhana or whatsoever na 'yan. Nang may mga panahong may pagkakataon ako nand'yan s'ya at ngayong handa na ako wala s'ya tapos SABADO AT LINGGO PA BUKAS! Naging tahimik ang pagkain naming lahat, ako at si Devon ang naunang bumalik sa room. Hindi ako kumikibo kaya hindi s'ya nagsasalita.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon