CHAPTER 72:
Ellie's POV
"Pustahan?" usal ko.
"Sige! Pusta ko na hindi pupunta si Lhian!" si Halli.
"Gago kayo 'wag n'yo akong pagtripan." si Devon.
"Pupunta 'yon! Tapos makikipagbalikan kay Devon!" si Luis. Nandito kasi kami ngayon sa mansion at nagpupustahan, paano lahat kasi kami broken! Bwahahah!
"Para namang papayag ako, maghahanap nalang ako ng ibang magplilibangan!" atungol n'ya saka tumayo.
"Hoy! Pupunta nga daw si Lhian eh!" sabi ko.
"Hahaha! Babalik sa hobby si Devon matapos masaktan!" sigaw ni Kyle habang ngumangata ng popcorn.
"Pahingi naman ako!" sabi ko at tinabihan s'ya.
"What the! Makatabi wagas!" reklamo ni Kyle, kinuha ko ang popcorn.
"Wala akong pakealam sa'yo." sabi ko.
"Bahala na nga kayo sa buhay n'yo." si Devon at saka lumabas.
"Lagot ka kay Lolo 'pag nalamang nambababae ka na naman!" pahabol ni Halli mukhang walang narinig si Devon dahil nagtuloy-tuloy ito sa paglabas. Nagtawanan lang kami.
"Halli ano may kapalit na ba si Rain sa'yo?" tanong ko sabay kain. Nagulat ako ng bigla itong nag-iwas ng tingin! WTF HALLI!? Meron na?
"W-Wala!" tugon nito.
"Asus! Wala daw eh ba't nag-iwas ng tingin?" sabi naman ni Andy at nakikain sa popcorn ko.
"Kay Keisha, si Keisha ang bumihag sa puso n'ya!" sigaw ni Andy, lahat kami ay napatingin kay Halli.
"WTF? Si Keisha!? Gusto mo pala ang mga madadaldal!" si Kyle, natawa ako.
"Fuck you Andy! Kahit kailan hindi ka talaga mapagkakatiwalaan!" utas ni Halli, natawa naman sa tabi ko si Andy.
"Yung totoo Halli? May gusto ko na kay Keisha?" tanong ko.
"Hindi naman sa gusto talaga, parang iba lang kapag nand'yan s'ya at maingay sa paligid." sabi nito, kahit naman ako eh, maninibago ka kapag tumahimik si Keisha.
"Ayiee! May nahanap agad si Halli!" pang-aasar ni Kyle, basta ako, hindi, maghihintay lang ako kay Rain.
"Ewan! Ewan! Ewan!" ani ni Halli sabay alis. Nagkatinginan kaming apat sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...