CHAPTER 37:
Bigla akong napatingin sa entrance, sino naman ang tinitilian nila? Hindi 'yung mga Sanders ang tinitilian nila kasi nakaupo ito at tinitignan din ang entrance. Hindi ko makita dahil nahaharangan ito ng mga babae.
"Oy." tawag ni Keisha, kaya naman s'ya na ang tinignan ko.
"Sino ka 'yon?" tanong ko kay Keisha habang kumakain.
"Ewan." tanging tugon n'ya. Hindi ko na 'yon pinansin at saka kami sabay na kumain.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na ulit kami sa room. Masyado s'yang madaldal. Pero ok na 'yon nakakatuwa nga s'ya eh. Kaso iniwan n'ya ako dahil magsi-CR daw s'ya. Kaya naman hinintay ko s'ya, kahit pinilit n'ya lang ako, ang ayaw ko kasi ay yung hinihintay s'ya dahil sa matagal ito kung mag-banyo.
"Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko.
"Woy! Kakapasok ko lang!" reklamo n'ya sa loob ng cubicle.
"Aantayin kita sa labas." sabi ko saka nagsimula ng maglakad. Pero bigla akong napahinto ng may kung ano akong naramdaman sa leeg ko na malamig.
"Maling galaw patay ka." lalaki ito. Naglakad ito kaya sinundan ko s'ya habang ang kutsilyo ay hindi nawawala sa leeg ko. Pumwesto ito sa lugar kung saan walang makakakita sa amin.
"Sino ka ba?" tanong ko. Hindi ko ito makita dahil nasa likuran ko s'ya.
"Mamamatay ka naman ngayon kaya 'wag mo ng alamin." aniya at idinikit ang kutsilyo sa leeg ko.
"Si Jame ba ang nag-utos sa'yo nito?" tanong ko ulit. Pero hindi s'ya sumagot sa halip ay idinikit n'ya ulit ang kutsilyo ng may diin kaya nakaramdam na ako ng hapdi. Bumabaon ito at talagang masakit na. Hindi ko alam ang ginawa ko pero kinuha ko ang kamay n'yang may kutsilyo at inikot 'yon, nagulat ako ng sabayan n'ya 'yon. Lumayo ako kaya nagkaroon ng distans'ya sa amin. Nakatakip pala ang mukha n'ya. Napahawak ako sa leeg ko at nakitang may dugo iyon.
"Tara sabi ni Ma'am mamulot daw ng kalat dito." may boses na papalapit kaya naman biglang tumakbo ang lalaki, wala na din akong plano na habulin s'ya kinuha ko ang panyo at ibinuhol iyon sa leeg ko. Nakasalubong ko ang dalawang grade 11 na hindi ko naman pinansin. Nagpunta ako sa CR.
"Keisha?" tawag ko.
"Oh?" sagot n'ya =__=.
"Mauna ka na, pupunta lang ako sa clinic." sabi ko.
"Hah? Bakit?" tanong n'ya pa.
"Tumama kasi sa sanga ng puno yung leeg ko ay sumabit pala kaya nagkasugat." pagsisinungaling ko.
"Oh sige." tugon n'ya. Naghugas muna ako ng kamay para mawala ang mantsa ng dugo saka lumabas para magtungo sa clinic. Kumatok ako at sumilip, pumasok ako at may nakita ako na nurse.
"Alin po 'yon Ms?" tanong nito.
"May yelo po kayo?" sarkastikong tanong ko.
"Sa cafeteria 'yun Ms." aniya.
"'Yun naman pala, eh bakit tinatanong n'yo pa ako kanina?" sagot ko. Saka naupo sa kama. Pero ang nurse hindi man lang gumagalaw. "Excuse me? Hindi mo po ba ako aasikasuhin?" tanong ko.
"Ah? H-Hindi Ms. observer lang ako." aniya saka nagtuloy sa pagsusulat.
"Alin daw 'yon." bigla akong natuod ng madinig ang boses na 'yon. Pack sheet anong ginagawa n'ya rito!?
"May patient kayo Mr. Levi Sanders." dinig kong sabi ng nurse. Napakagat labi ako saka tumayo at nagsimulang maglakad pero...
"Hey." tawag nito. Lilingon ba ako o hindi? Lilingon-hindi? Lilingon? Hindi? "Rain?" sambit nito sa pangalan ko. Tumingin ako sa kanya at ngumite hehehe.
"A-Alis na'ko." sabi ko at akmang lalakad.
"Ano 'yang nasa leeg mo?" puna n'ya. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?
"S-Scarf." mukhang tangang sagot ko. Nanlaki ang mata ko ng bigla itong maglakad papunta sa'ken! Shet! Shet! Shet! Shet!
"Patingin." anito at hinawakan n'ya ang baba ko saka ipinihit iyon ng dahan-dahan pakanan! WAAA!
"W-Wala 'yan." saad ko.
"Nurse Mae, hand me the kit." utos nito sa nurse na nagsusulat, sumunod agad ang nurse. At mabilis na naiabot iyon sa kan'ya. "Sitdown." madiing utos nito na sinunod ko! Teka galit ba s'ya? Kanina pa s'ya ah!
Ako na dapat ang magtatanggal nung panyo kaso inunahan n'ya na naman ako! T__T
"Tsk." singhal nito. "Ano bang nangyare dito?" tanong nito.
"'W-Wag ka n-na nga l-lang magtanong." kunwaring galit na sabi ko. Hindi na s'ya nagsalita nakatagilid ang ulo ko para makita n'yang maigi ang sugat. Teka don't tell me na magdodoktor din ang lokong ito? "A-Aray ko naman." reklamo ko.
"Ang arte." bulong nito.
"Sabihin mo nga kung may galit ka, baka mamaya imbes na alcohol ang nilalagay ay baka gaas 'yan." sarkastikong sabi ko.
"'Wag kang maingay."
"Eh grabe kasi ang sakit kaya!" reklamo ko pero hindi na s'ya sumagot napakasungit talaga ng kalabaw na'to.
Ilang minuto rin ang lumipas ng matapos s'ya. Hindi ko iginagalaw ang ulo ko dahil masakit.
"Babalik ka dito mamaya bago mag-uwian para mapalitan 'yan." utos nito, ni hindi man lang ako tinignan at nasa pag-aayos lang ng kit ang inaatupag n'ya.
Eh ano naman kung hindi n'ya ako tignan? Para namang big deal 'yon! Big deal nga ba? Hindi naman eh!
"A-Ako na hindi na ako babalik." sagot ko. Nagulat ako ng bigla n'ya akong tignan, seryoso ang mga tingin n'ya. Ano ba kasi ang problema n'ya? Oo alam ko namang masungit talaga si Levi. Pero parang feeling ko sobra naman yata yung ngayon. Pakiramdam ko ay sasaksakin n'ya ako ora mismo. "Oo na!" sagot kasi nakatingin lang ito sa'ken. Tumalikod ito at ibabalik na yata yung kit. Inambahan ko lang ito ng suntok. Bwiset!
"Aalis na ako." sabi ko saka tumayo at lumabas ng Infirmary. Pagkalabas ko doon ko lang naisip anong ginagawa n'ya sa Infirmary? Hayaan mo na, mamaya batuhin pa ako no'n 'pag nagtanong pa ako. Bumalik na ako sa room ko, mabuti nalang at wala pa kaming teacher.
"Oh? Ayos na ba?" tanong ni Keisha ng makaupo ako sa tabi n'ya.
"Mmmm." tugon ko saka tumango.
"Nakasimangot ka?" tanong ni Keisha.
"Wala." sagot ko. Nababadtrip lang ako kay Levi.
Sarap n'yang ipatapon sa ibang planeta. Kung kaya ko lang talaga naku baka alien na s'ya ngayon. Kakausapin pa sana ako ni Keisha kaso dumating na ang teacher namin sa Chemistry.
-DISCUSSION-
-DISCUSSION-
-DISCUSSION-
-DISMISSAL-
--***-----___----***---
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...