CHAPTER 81:
Khisha's POV
~Rain Rain go away (sama ako)~
Nasaan ka na?
~Rain Rain go away (sama ako)~
Nandito na ako.
~Rain Rain go away (sama ako)~
Nakaalis ka na ba?
~Rain Rain go away (sama ako)~
Aalis na ako...
"Wala pa?" usal ko ng makitang bakante ang upuan ni Rain. Nasaan naman kaya 'yon? 5:30 AM na at 30 minutes pa bago magsimula ang klase. Pumunta ako sa locker room. Kinuha ko ang duplicate na susi ng locker ni Rain, may duplicate kami, meron s'ya at gano'n din ako.
Pagkabukas ko ng locker nakita kong hindi man lang nagalaw ni Rain ang mga gamit n'ya. Bigla akong kinutuban. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Rain.
"........." nagri-ring pero hindi sinasagot tss. Muli ko itong idinial.
"The costumer you're calling is not available please try again later...TOOT...TOOT"
"Ba't hindi n'ya sinasagot?" tanong ko sa sarili ko. Ngayon naman nakapatay na!? Ibinulsa ko ulit ang cellphone ko at agad na bumalik sa room baka sakaling nandoon na s'ya.
"Psh." usal ko ng bakante pa din ang upuan, napagdesisyunan kong umakyat sa third floor baka nandoon na si Ran at matanong naman. "Excuse me?" sabi ko ng makarating ako.
"Yes Ms?"sabi ng lalake.
"Hehe? Nand'yan na ba si Ran?" tanong ko, bumaling ang lalake sa room nila kaya napatingin din ako.
"Hmmm. Wala eh." sagot nito. "Guys? Nakita n'yo ba si Ran?" baling nito sa mga kaklaseng nasa loob.
"Hindi."
"Wala pa yata."
"Hindi na yata papasok 'yon anong oras na oh." sagot ng mga kaklase.
"Sorry Ms. pero wala daw eh." ani ng lalake na ikinatango ko lang. "Teka Ms?" napahinto ako sa akmang paglakad ko at tinignan ang lalake. "Sure ka ba na si Ran lang ang ipinunta mo rito?" tanong nito, umarko ang kilay ko. Anong klaseng tanong naman 'yon? Tumango ako. "Sigurado ka?" paniniguro n'ya pa kaya nangunot ang noo ko sa kakulitan n'ya. "Pwede namang ako eh." nakangiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...