Chapter 24:

3K 72 0
                                    


CHAPTER 24:

Keisha's POV

Naglalakad na kami ngayon ni Rain papunta sa parking lot.

"Sure ka ba talaga na hindi ka sasama?" paniniguro ko ulit.

"Hindi nga, isa pa sahod ko na bukas ayokong makatalsan ako."

"Kailangan ka ba kinaltasan sige nga?" panghahamon ko. Utot n'ya ilang taon na s'yang nagtatrabaho sa pinapasukan n'ya ni minsan hindi s'ya kinaltasan.

"Wala pa." nakangiting sabi n'ya.

"Rain!" napahinto kami sa paglalakad ng tawagin si Rain ni Devon. Ikaw Halli? Wala man lang bang Keisha d'yan?

"Sasali kayo?" bungad na tanong ni Ellie.

"Mmmm. Kayo?" tugon ni Rain.

"Hindi kami marunong kumanta eh, ito si Levi kaso ayaw n'ya." napatingin ako kay Levi, as usual masama ang timpla ng mukha.

"Gano'n?" sambit ni Rain. Kung hindi mo lubos na kilala si Rain hindi mo alam ang mga tono ng pananalita n'ya lalo kung ayaw n'yang ipahalata, pero nung sinabe lang ni Ellie na hindi sasali si Levi, naramdaman ko sa tono n'ya ang panghihinayang.

"Kayo? Dalawa lang kayo?" tanong ni Andy.

"Ilan ba kaming nakikita mo sa harapan mo?" pamimilosopo ko.

"No. I mean dalawa lang kayong sasali?" natatawang paglilinaw ni Andy.

"Lilinawin kasi ah? Uso po 'yon." sabi ko. "Anim kami." sagot ko.

"Anim?" natatakang usal ni Kyle.

"Pito. Pito narinig mo eh no?" pamimilosopo ko. "Hindi porket dalawa lang kami ni Rain na palaging magkasama ay wala na kaming kaibigan." sabi ko.

"Sige papasok pa ako." sabi ni Rain saka naglakad. Nginitian ko na muna sila bago sundan si Rain.

"Crush mo si Levi ano?" pang-aasar ko habang nasa biyahe kami. Napatingin ako sandali sa kan'ya at nakita kong nakakunot na naman ang noo n'ya. Hindi na ako magugulat kung sa susunod ay makita kong ampalaya na 'yan.

"Niloloko mo ba ako?" inis na tanong n'ya.

"Bibi alam kong mukha akong loko-loko pero hindi." sabi ko habang nakatingin sa daan.

"Hindi ko s'ya crush." pagtanggi n'ya.

"We?" paunuri ko.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon