CHAPTER 19:

3.2K 85 5
                                    


CHAPTER 19:



"Ang init naman nitong polo ko." biglang sabi ni Halli. Ngayon ang mga tingin ni Rain parang mata ng mga pusa nanlilisik.


"Kayo?" tanong ni Rain.


"A-Anong kami?" utal at kinakabahang tanong ni Keisha.


"Kayo ang may gawa hindi ba?" taas kilay n'yang tanong. At tinapunan kami ng tingin bawat isa.


"Ah, bibili lang ako ng maiinom natin ngayon." palusot ni Luis.


"Sama ako Luis!" sabay-sabay na sabi nilang lahat. Pahalata ang mga kolokoy.


"Keisha Daniela." may halong banta ang pananalita n'ya.


"Ah Luis, bili ka na din ng madaming snacks." kinakabahang sabi ni Keisha.


"O-Oo." sagot ni Luis, saka sila umalis na anim at naghanap ng pwedeng mabili. Naiwan ako, si Rain at si Keisha. Ang sama ng tingin ni Rain.


"Ano?" iritado kong tanong.


"Kasama ka sa kanila?" seryosong tanong nito.


"At bakit naman ako makikisale sa kanila?" pabalik kong tanong. Inirapan n'ya lang ako. Yumuko ako sa mesa ng hindi na s'ya magsalita at saka nagcellphone ang noo ko ay nakapatong sa mesa. Nadinig ko ang buntong hininga ni Rain.


"Eh yung pagkain Keisha? Sino ang--"



*TOK!*



Hindi natapos ang sasabihin n'ya ng bigla kong malaglag ang cellphone ko dahil sa tanong n'yang iyon. Sige Keisha, sabihin mo lang na ako, ipabu-bully kita.


"H-Hindi ko alam eh~" aniya, muli kong dinampot ang cellphone ko at saka naayos ng upo, muntikan pa akong malaglag sa upuan ng makitang nakatingin na ito sa'ken.


"A-Ano!?" sita ko. Napairap lang ito saka umiling.


"Imposible." tanging sabi n'ya. Anong imposble? Imposible na ako ang magbigay? Pa-straight-in ko kaya bituka n'ya? Hindi na ako nagsalita at yumuko nalang ulit.


"Ikaw na ang magbayad Ellie, ikaw naman itong walang kaltas ang allowance eh." dinig ko ang pag-uusap ng mga pinsan ko. Tinignan ko sila at nasa counter sila, natatawa lang si Ate Pia sa kan'ya.


"Ano ka hilo? Bahala kayo." kunwari pang napatalikod si Ellie.


"Sabihin mo Ellie, snob ako sa personal at ang mga snob na kagaya ko hindi nanlilibre." utos ni Keisha, saan n'ya naman nakuha ang linyang 'yon?


Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon