CHAPTER 9:
Rain's POV
Malapit na ang off ko. 8:40 PM na eh.
"Rain, ako na dito malapit na ang off eh." pagboboluntaryo ni Cade, nginusuan ko lang ito sabay ngiti.
"Sige." sagot ko tinapik ko ang balikat n'ya saka nagtungo sa locker ko para magpalit ng damit. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay Cade. Tinanguan n'ya lang ako nakangiting lumabas ako ng Coffe shop bitbit ang bag ko na laman ay yung uniform ko, malinis na 'yon kasi nilabhan ko kanina sa Store. Lumakad ako hanggang sa bus stop. Mabilis lang kaya nakasakay agad ako. Naupo ako sa tabi ng bintana sa pagkakatulala ko ay naalala ko ang nangyare kanina at nung isang gabi. Yung mga saluan at hatakan mode parang sa mga kwento ko lang nababasa. Kanina nung nasalo ako ni Ellie at nung masungit na si Levi, nakakakilig na ewan!
Nahinto ako sa pag-iisip ng may nakita akong bar?
"Manong sa tabi lang po." sabi ko sa konduktor huminto ang bus sa tabi at mabilis akong bumaba. Tinignan ko ang kabuuan ng bar. Parang clubhouse lang ito, inuman o tambayan. Kaya lang naman ako huminto rito ay dahil may nakalabas na tarpaulin.
'Can you drink 30 glass of our heavy drinks?'
'Yan ang nakalagay at may prize na nakalagay depende kung ilan ang nainom mo?
Ngayon lang ako iinom kaya ko kaya? Hihihi.
Pumasok ako sa Bar, napapikit agad ako sa ingay at mga sigawan tapos yung laser light pa. Nagdere-deretso ako kung saan yung nagpapalista, gusto ko ng pera dahil kailangan ko para sa pampaaral ni Snow.
Levi's POV
Lumabas ako ng kwarto ko ng mag alas-nuwebe na ng gabi.
"Oy? Saan ka pupunta?" tanong ni Ellie.
"Wala." sagot ko.
"Hayaan mo na s'ya." pigil ni Devon, hindi ko na sila pinansin at lumabas na ako ng mansion papunta sa garahe at kinuha yung sports car ko gusto kong uminom ngayon. =_=.
Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar 'yon papunta sa isang bar.
"Good evening Sir." bati nung bantay sa'ken hindi ko ito pinag-aksayahang tignan at pumasok na ako sa loob at naupo sa isang high chair.
"Whiskey." sabi ko agad ng may lumapit na waiter. Tumango ito at umalis. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Andaming tao, maingay at nakakahilo ang mga ilaw. May mga kumpulan din sa bandang mini stage, siguro may palaro na namang nagaganap.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...