CHAPTER 11:
Chloe's POV
"Tara." aya ni Halli kay Rain, nakangiti si Halli, ba't ang saya n'ya? Sabay silang lumabas ng building hindi ko alam kung ano ang nagtulak na sundan ko sila hanggang sa parking lot. Kita kong pinagbuksan ni Halli si Rain ng pinto at pinasakay s'ya. Kitang-kita ko ang mga ngiti ni Halli pagkasakay n'ya ng kotse n'ya, kaya pakiramdam ko ay may kung anong tumusok sa puso ko, ang sakit. Alam kong kaibigan lang ang turing ko sa kan'ya eh ano itong nararamdaman ko?
"Chloe." biglang tawag ni ate, nakangiti akong hinarap s'ya.
"Tara?" aniya, tumango naman ako.
Rain's POV
Nagda-drive si Halli, ewan ko kung ano ang tumatakbo sa utak ng isang ito.
"Nasaan na ang notebook ko?" tanong ko.
"Masyado ka namang atat." anito. Inirapan ko lang s'ya.
"May trabaho pa kasi ako!" singhal ko.
"Saan ba? Ihahatid kita." volunteer n'ya.
"Trinidad District." sagot ko. "Pwede ko na bang makuha?" sabi ko ulit. Ngumuso ito at may kinuha sa bulsa ng jacket n'ya.
"Oh." anito at sabay abot sa'ken tinignan ko ng maigi ang notebook napangiti ako.
"Tinignan mo ito ano?" biglang tanong ko.
"H-Hindi ah!" sagot n'ya. Hindi ko na s'ya sinagot at inilagay ko na sa bag ko yung notebook.
"Teka? Modelo ka bang talaga?" tanong ko bigla. Tinignan naman n'ya ako.
"Oo." sagot n'ya.
"Grade 12 ka lang? Ang bata mo naman." sabi ko pa. Natawa naman ito. Kaya nangunot ang noo ko. "Anong nakakatawa?" tanong ko.
"Nothing. Ang Mommy ko kasi ang nagpasok sa'ken doon, mga grade 9 yata ako no'n." kwento nito. Tumango lang ako. "Alam mo kakaiba ka." aniya. Sinimangutan ko s'ya.
"At bakit naman?" tanong ko.
"Kasi hindi mo ako nakilala, hindi ka tumitili 'pag nakikita mo kami. Samantalang yung iba nagpapapansin pa." aniya.
"Dahil hindi naman ako interesado sa inyo." sagot ko. Huminto na yung kotse sa tabi dahil nandito na kami.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...