Chapter 32:

2.7K 79 1
                                    


CHAPTER 32:

Rain's POV

Pagkatapos ng sayaw namin ay nagpahinga muna ako sandali at naupo katabi si Karla. Nakakapagod. Sinandal ko ang likod ko sa sandalan at pinandikwatro ko ang paa ko. Naalala ko yung kanina, patapos na ang kanta at sayaw namin ng mapansin ko si Levi sa bandang dulo ng field. May kung ano akong tuwa na naramdaman pero hindi ko iyon pinahalata.

"Tapos ka na bang magpahinga?"

"Ay putcha!" biglang sigaw ko sa gulat ng may biglang sumulpot sa gilid ko. Tinignan ko lang ng masama si Levi, ambilis n'ya namang makapunta dito?

"Ano? Bilisan mo at tumatakbo ang oras." aniya pa.

"Sige na prend alam naming mag-aayos ka pa at ganoon din kami." pangtutulak ni Elisha sa'ken. Palibhasa kasi wla s'yang linya na kinanta. Inis na tumayo ako. At naglakad. Nasa likod ko lang si Levi.

Tahimik ang paligid dahil lahat ay nasa field. Nauna na akong sumakay sa kotse ni Levi. Sumakay na din si Levi sa driver's seat. Pero nawal din ang inis ko.

"Umayos ka kapag nasa Mansion ka at baka makasalubong mo ang mga pinsan ko." aniya saka pinaandar ang kotse n'ya. Nasa field sila at nanonood ah?

"Di'ba nanonood sila?" tanong ko, nakita ko pa nga sila sa inahan eh.

"Umalis din matapos ang sayaw n'yo." aniya. Natahimik nalang ako, ayokong magsalita at baka bigla ko pang matanong kung bakit hindi s'ya agad dumating. Wala nakakapanibago lang, kasi nga di'ba magkakadikit nga ang mga bituka nila?

-

-

-

"Psst. Hoy."

"Hmmm."

"Tsk. Hoy!" bigla akong nagmulat ng mata. Nakita ko si Levi na nakasimangot. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may malaking bahay at andaming halaman!

"Nasaan ako?" tanong ko. Napa-poker face naman si Levi na para bang may mali sa tanong ko. At doon ko narealize na mali nga ako. "Oo na! arte nito." singhal ko saka bumaba. Luminga-linga ako at talagang hindi ko maiwasan ang mapahanga sa laki ng Mansion na ito.

"Baka gusto mong sumunod?" sarkastikong sabi ni Levi kita ko na mukhang papasok na ito sa loob. Mabilis akong sumunod. Halos tumulo na ang laway ko sa labaas nga hangang-hanga na ako ito pa kayang loob! Napakadamin antique na gamit marami ring mga frames at awards. Sa sala.

Napahinto kami parehas ni Levi ng makita ang mga pinsan n'ya na nanonood. Pero nahinto at nakita ang pagdating namin.

"Hindi pa ba kayo maghahanda?" tanong ni Levi.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon