Chapter 41:

2.7K 72 4
                                    


CHAPTER 41:

Kaya nakakawalang gana eh. Nag-sorry na nga ako, hindi pa ako tignan! Hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa'ken, hind s'ya yung gaya noon na nakikipagtitigan pa, yung magtatanong na 'WHAT?' kainis s'ya. Akala mo naman napakagwapo. Napairap nalang ako sa sarili kong naisip. Lumipat ako ng pwesto at tinalikuran s'ya.

"Oh." inabot ni Keisha yung tray sa'ken. Naupo naman ito nasa tapat ko saka kami sabay na kumain. "Uy! Tumingin si Levi." sabi ni Keisha kaya napalingon ako. Nangunot ang noo ko ng mapagtanto na inaasar lang pala ako ni Keisha.

"Gago." sambit ko. Saka kumaing muli. Bumbungisngis naman ang bruha at inaasar ako ng tingin. "'Wag mo akong pagtrip-an." sabi ko at kumain ulit.

"Oh! 'yun oh! Tumingin s'ya Rain!" sabi ni Keisha, akala naman n'ya maniniwala ako.

"Tigilan mo ako." sabi ko.

"Nakatingin na nga!" aniya pa inirapan ko ang s'ya. "'Yan wala na." sabi n'ya akala mo may pinanghihinayangan. Pero ang galing n'ya umarte.

Nang matapos kami ay pumunta muna ako sa CR. Pumasok ako sa cubicle. May naramdaman akong pumasok.

"Paano kung i-kick out ka sa gagawin mo?" boses ni Lana 'yun ah?

"Paano? Eh may shares din sila ng lolo ko pantay ang hati kaya wala silang magagawa." si Jame, ano kaya ang gagawin nila?

"Edi baka patulan ka na ni Levi." si Katlina.

"Kung malulumpo ko s'ya hindi n'ya magagawa 'yon." aniya, namilog ang mga mata ko sa narinig ko.

"Eh paano nga? Kasama n'ya palagi ang mga pinsan n'ya isa pa magagaling silang lahat paano matatalo ng mga tao ang mga Sanders?" si Katlina ulit.

"Ako ang bahala ipapain natin si Rain pustahan maghahagilap na naman silat maghihiwala-hiwalay para lang mahanap s'ya." si Jame. T*ngina mo po Jame akala mo naman mangyayare ang gusto mo hello nandito kaya ako sa loob. Bobitang tanga.

"Tara." ani ni Jame. Saka naramdaman ko nalang na umalis sila! Pakyu ka Jame hindi mo man lang sinabe kung kailan!

Naghugas ako ng kamay ko at saka lumabas ng CR.

"Bwah!"

"Letche!" sigaw ko bigla ng gulatin ako ni Kyle. Tas bigla s'yang tumawa. -__- "Gago ka!" sigaw ko sa kan'ya na bumulalas pa ng tawa. Ang gwapo naman nito kapag tumawa.

"Ba't ikaw lang? Nasaan ang kaibigan mo?" tanong n'ya.

"Ba't mo naman hinahanap? Type mo?" pang-aasar ko. Nginiwian n'ya ako na para bang hindi nagustuhan ang sinabe ko.

"Ayoko sa mga madadaldal, gusto ko 'yung 'cool'." aniya with taas-baba pang kilay. Inirapan ko lang s'ya.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon