CHAPTER 59:
Luis's POV
"Hayaan mo s'ya." sabi ko. At kumain ng pagkain, hindi namin s'ya kasabay ulit ngayong break.
"Tapos ano? Aasa si Chloe? 'wag namang gano'n Luis! Hindi porke gusto n'yang layuan at kalimutan si Rain ay gagamit s'ya ng tao!" demanda ni Halli. Inisip ko na din 'yan. Sadyang baliw lang ako na kinokonsinte ko ang kalokohan ni Levi.
"Ngayong binibigyan s'ya ng pagkakataon kay Rain, sasayangin n'ya?" asik ni Devon.
Ano ba kasi ang nangyare sa kanilang dalawa? Kay Rain mukhang walang problema at sapalagay ko ay na kay Levi ang problema, abnormal talaga ang lalaking 'yon.
"Pansin mo rin ano?" biglang tanong ni Ellie sa'ken.
"Na?" tanong ko.
"Na may gusto si Rain kay Levi." tugon nito.
"Hinde si Rain ay may gusto sa'yo Ellie, at posibleng magkagusto kay Halli, pero hindi n'ya gusto si Levi dahil mas iba ang tingin n'ya kay Levi." sabi ko.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Halli.
"Ang mga titig ni Rain sa inyo ay kakaiba kumpara kay Levi, dahil sa inyo parang hanggang pagkagusto lang samantalang kay Levi ay habang tumatagal ay lalo itong nahuhulog." sagot ko.
"Hmp! Buti pa si Levi." maktol ni Devon. Ngumiti nalang ako. Ngayon ko lang napansin na wala sina Rain sa table nila kahit si Ran.
"Puntahan natin?" napatingin ako kay Andy.
"Tara." sagot ko, sabay-sabay kaming napatayo at naglakad palabas ng cafeteria.
"Kyaaaaaa!"
"Waaaa!"
"Hindi na nila kasabay si Levi ko!"
Hindi na namin pinakinggan ang mga tilian sa labas at nagderederetso lang sa room nila Rain. Nakita ko na nakaupo si Rain at Keisha ng matanaw ko sila sa pinto.
"Rain!" tawag agad ni Devon.
"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong n'ya.
"Wala, kumain kana?" tanong ni Halli sa kan'ya.
"Mmm, may baon si Keisha eh isa pa may test pa kami sa Chemistry." sabi nito, napakasipag talaga n'ya.
"Mmm. Sige kita kits nalang." paalam ko at saka kumaway, kinawayan din n'ya ako pati ang mga pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...