Chapter 57:

2.6K 66 0
                                    


CHAPTER 57:

Ilang araw na ang lumipas simula ng malaman nila ang totoo. Si kuya naman dito din pala nag-aaral. Mas naging close pa kami ng anim kasama si Keisha. Pero 'pag break ay nakahiwalay kami kasama si Kuya. Si Levi, balita ko ay kasama n'ya daw si Chloe palagi. Masakit pero ok lang. tutal silang dalawa naman talaga ang may affair. Hindi na sumasabay si Levi kina Andy kapag break. Kahit si Chloe ay wala madalas sa klase.

Minsan hinihiling ko na sana ay bumalik ang nararamdaman ko para kay Ellie kaso kahit anong dasal at ritwal ang ginagawa ko ay wa-epek s'yempre juk lang yung ritwal. O kaya naman sana ay may ibang tao na magnakaw at bumihag sa puso ko. O kaya naman sana makita ko na si Allen ulit, siguro may dahilan lang s'ya kaya n'ya nasabi ang mga bagay na 'yon sa akin noon. Sasakalin at sisipain ko s'ya kapag nakita ko s'ya.

Nagbitiw ako ng isang malalim na hininga.

"Ayos ka lang?" tanong ni Cade, nakaupo lang kasi at hindi pa ako pinagtatrabaho at wla pa akong balak pagtrabuhin ng dalawa kong boss kaya naman dito ako sa coffee shop tumambay pagkauwi ko galing eskwelahan, ayoko sa bahay ni Kuya, masyadong malaki, isa pa ako lang ang nandoon bukod sa mga katulong n'ya.

"Ayos lang." tugon ko.

"Mukhang may problema ka eh." anito.

"Wala nga." sabi ko. At yumuko sa mesa at sa glass pane ako humarap at tinignana ang mga tao sa labas na palakad-lakad.

"Day-off ko sa Friday, ano gala tayo?" aya ni Cade, tumango naman ako.

"Sige." sagot ko.

"'Wag mo akong totokshitin." banta nito na pinitik pa ang noo ko.

"Aray! Epal ka!?" singhal ko sa kan'ya.

"Pasalamat ka nga at pitik ang ginawa ko, hindi gaya ng sa'yo solid yung pagkakasampal mo Rain." aniya. Oo nga pala sinampal ko nga pala ang kolokoy na'to.

"Bigla ka kasing nangyayakap." singhal ko.

"Malay ko ba na burado yang laman ng utak mo." sagot n'ya pa.

"At malay ko bang kilala din kita?" inis na sabi ko.

"Ang galing no? Nangyayare din pala ang mga gano'n sa totoong buhay." anito at nagsimula ng magpunas ng mesa. Hindi na ako sumagot. Madami pa akong iisipin bukod sa hinayupak na Levi na 'yon. Bukas kasi ay botohan ng mga candidate para sa magiging Mr. and Ms. Campus Queen of the Night next Monday.

"Mauuna na ako Cade." paalam ko. May assignment pa pala kami sa Biology.

"Sige, sa Friday ah." paala n'ya tumango naman ako. At naglakad palabas saka ako nag-abang ng bus.

Pagkasakay ko ay sa bandang bintana ako pumwesto, sinuot ko ang earphone ko at inilagay iyon sa teinga ko.

Habang nasa daan ay nakita ko na naman ang bar kung saan si Levi ang naghatid sa'ken. Kahit naman ikaw Levi ikaw ang unang lalake na nagparamdam sa'ken ng ganito, iba ang kay Ellie at Allen at ang sa'yo ay natatangi. Napailing nalang ako bigla sa iniisip ko.

Naglakad na ako ng makababa ako sa bus, nadaanan ko ang bahay na tinitirhan ko noon. Walang tao d'yan kasi sinasamahan ni Mama si Snow sa school at si Papa as usual nasa trabaho. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Bigla akong nakaramdam ng iba...pakiramdam ko ay may sumusunod sa'ken at isa lang s'ya. Normal lang ang naging laging lakad ko. Bigla akong napatingin sa likod ko ng naramdaman kong sumugod ito.

"Ikaw na naman!" sambit ko ng makitang si Jame 'yon, may patalim itong hawak. Peste kutsilyo na naman!

"Sinira mo ang lahat!" bintang nito. Habang pinipigilan ko ang kutsilyo nito na tumama sa balat ko.

"Wala akong ginagawang masama sa'yo Jame, ikaw! Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito!" bato ko sa mga salitang sinabe n'ya.

"D-Dahil sa'yo! Dahil sa'yo iniwan ako ng lalaking mahal ko!" para akong nawalan bigla ng lakas ng madinig ang sinabe n'ya. Sino ang tinutukoy n'ya?

"Ah!" inda ko ng maramdaman ang hapdi sa kabilang braso ko. Malalim ang sugat na natamo ko kaya hinawakan ko ito dahil sa lumalabas na dugo.

"Kung hindi ka sana nagpapansin sa magpipinsan sana, sana hindi nagkagusto si Devon sa'yo na mahal na mahal ni Lhian. Sana, sana hindi nagkagusto sa'yo si Ellie na gusto ni Katlina. At sana hindi ka din nagustuhan ni Halli na mahal ni Lana! Lahat ay sinira mo! Lahat ay inagaw mo!" patuloy na bintang n'ya. Hindi ko s'ya maintindihan. "At ngayon ang kaisa-isang lalaki na nagmahal sa'ken ay iniwan ako ng dahil lang sa'yo. Pinili n'ya ang kapatid n'ya na halos ilang taon n'yang hindi na kasama! Samantalang ako? Ako na nakasama n'ya ng halos anim na taon? Ang iniwan n'ya!" umiiyak na ngayon si Jame. Nakaramdam ako ng awa sa kan'ya.

Muli itong sumugod kaya naman sinalubong ko s'ya at inagaw ang kutsilyo sa kan'ya.

"Wala akong alam sa mga sinasabe mo Jame!" sabi ko at itinapon ang kutsilyo palayo. "Masyadong invalid lahat ng rason mo. Hindi katanggap-tanggap, siguro karma mo na din ang maiwan ng kakambal ko." sabi ko, napaupo ito at saka inilagay ang dalawang palad n'ya sa kan'yang mukha at doon nagpakawala ng isang matinding iyak. "I'm sorry, but all of this things happened was not my fault. Dahil kusa lang nangyayare ang lahat." huling sabi ko at saka naglakad pauwi hawak ang braso ko.

"Oh anong nangyare d'yan sa braso mo?" tanong ni Kuya at nilapitan ako. Hindi ko pwedeng sabihin na sa puno ito sumabit dahil wala namang mabababang sanga at kung doon sa shop hindi din kasi sariwa pa ang sugat.

"May isang matandang babae at isang lalake na nag-aaway, tinulungan ko lang ang matanda sa lalaking may hawak ng kutsilyo." pagsisinungaling ko saka naupo.

"Hindi ka superhero Rain, tao ka lang at nasasaktan, hindi ka mabubuhay kung bigla kang masaksak sa mga parte ng katawan na delikado." paalala ni kuya at nagtungo sa kusina mukhang kukuha s'ya ng first aid.

"Oo alam ko, ba't hahayaan ko kung alam ko namang kaya ko." sabi ko, lumabas ito na nakangiwi.

"Ewan ko sa'yo, hindi ka naman anak ni Darna at mas lalong hindi ka naman anak ni Wonder Woman." sarkastikong sabi nito. Inirapan ko lang s'ya at naupo ito sa tabi ko. Binuksan ang kit at sinimulang gamutin ako. Napahawak ako sa leeg ko na noon ay ginamot ni Levi, wala itong scar na naiwan, kahit ang braso kong halos ilang araw din ang pamamaga noon ay wala ding scar.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon