CHAPTER 3:
Matapos ang ma-epic na nangyare sa'ken, ay wala sa sariling naglakad ako papunta sa coffee shop na pinapasukan ko. Pagkapasok ko sa coffee shop ay nagtungo ako sa employers room para ilagay ang jacket ko, tutal nakaputi naman ako ay hindi na ako magpapalit ng damit.
"Oh Rain? Ikaw na dito oh." ani naman ni Kyla ng makita akong lumabas ng pinto. Ngumite ako at pumwesto sa counter. May lumapit na mukhang couple sa'ken.
"What is your order Ma'am, Sir?" tanong ko.
"Ahm, 2 slice of Chocolate mousse and 2 americanos please don't pour a sugar." ani ng lalaki, tumango ako at sinabihan si Cade na maglagay ng dalawang Americano na walang asukal ako naman ang kumuha ng slice ng cake.
"Ito na Rain oh." ani ni Cade, inabot n'ya ang dalawang nakacup na kape na-naka-holder, nilagay ko sa tray ito kasama ng two plates ng cake tapos inabot iyon sa costumer.
"Thank you po." usal ko at umalis ito at naupo. Naging madami ang costumer mabuti nalang at nandito si Cade para tulungan ako.
"Pagod ka na ba?" tanong ni Cade nang mag seven na. Umiling naman ako at humarap sa glass door.
"Kumain kana?" tanong ko. Tumango naman s'ya.
"Kumain ka na din at ako na ang magbabantay." pagboboluntaryo n'ya, tumango naman ako at tinanggal ang apron na suot.
"Sige sa labas na ako kakain, sandali lang." paalam ko. Tumango ito at umalis na ako mabuti at tumila na ang ulan. Nang may napansin ako sa gilid ng coffee shop na nag-aaway? Tsh jan pa talaga nila naisipan ah? "Hoy!" sigaw ko sakto namang biglang may lumipad sa basuran kaya napaigtad ako at napatingin sa lalaking gumawa no'n.
Pero mas nagulat ako ng biglang may humuli sa leeg ko! Ano ba kakain lang ako!?
"Maling galaw mo lagot ang hininga nito." ani ng may hawak sa'ken.
"Kasalanan n'yo naman eh." ani ng lalaki.
"Kung hindi ka biglang umepal." ani ng nasa likod ko.
"Eh kasi kawawa yung babaeng pinagtutulungan n'yo." aniya habang lumalapit sa'men.
"D'yan ka lang." banta nito at ginalaw ang punyal na nakatutok sa leeg ko.
"Ok, just let that girl go." ani ng lalaki na itinaas pa ang dalawa n'yang kamay.
"Bitiwan mo na nga ako." inis na sabi ko.
"Tumahimik ka!" saway nito.
"Miss tumahimik kana lang at baka saktan ka n'yan." sabi ng lalaki. Napairap ako at malakas na tinapakan ang paa ng lalaking may hawak sa'ken.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...