CHAPTER 47:
Kinuha ko ang unan ko at tumagilid tapos itinakip ko sa gilid ng ulo ko ang unan. Napapadyak pa ako sa kama ko sa sobrang inis! Umupo ako.
"Gusto ko na ba talaga si Rain?" wala sa sarili kong tanong.
'Oo indenial ka lang'-Luis
Ngayon naman sumasagot na si Luis sa mga tanong ko. Wala sa sarili ding nagbilang ako....
"Eh ba't napakabilis naman! Tatlong linggo palang naman ang nakakalipas ah! Paano ako nagkagusto sa kan'ya ng ganoon!?"
'Dahil 'pag nagkagusto ka hindi mo kailangan paabutin pa ng isa o dalawang taon Levi.'
"MANAHIMIK KA LUIS!" biglang sigaw ko.
"ANO!?" sagot ni Luis na nasa labas pala.
"UMALIS KA KAKO!" sabi ko. Muli akong natulala ng hindi s'ya sumagot. "Hindi 'to pwede!" sambit ko at ginulo ang buhok ko.
---***---***---***HAPAG KAINAN***---***---***
"We?" si Devon.
"Oo nga! Putcha kulang nalang lagyan mo ng piluka yung lalaking nakita ko kanina para maging kamukha na ni Rain!" sabi ni Andy, kahit ba naman sa pagkain nadidinig ko pa ang pangalang 'yan?
"Oh? Baka nga kakambal n'ya." si Ellie.
"Hahaha tapos 'yun nalang yung papatusin ni Devon kasi wala s'yang pag-asa kay Rain!" =__= gago talaga itong si Andy kung ano-ano ang iniisip, nagtawanan ang mga kolokoy. Pwera kay Devon na mukhang naasar kay Andy.
"Naku Andy baka ikaw, pinagpapantasyahan mo si Rain kaya kahit lalaki naiisip mo at talagang MALE VERSION pa ang nasa imagination mo ah?" banat ni Devon.
"BWAHAHAHA!" tawa nilang lahat.
"Tapos na ako." sabi ko at tumayo.
"Levi!"
"Woy!"
"Ang bilis mo naman!"
Sabi nila pero isa man sa kanila ay wala akong pinansin. Pumasok ako sa kwarto ko at hinayaan ang sarili ko na makatulog.
Ran's POV
Sino kaya ang lalaking nasa Forest Park kanina? Hindi kaya s'ya 'yung si Allen na s'yang nagpaiyak kay Rain noon? Imposible. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko iyon, nakita ko na si Lolo ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...