Chapter 35

2.6K 69 2
                                    


CHAPTER 35:

Nagmulat ako ng mata, nagulat ako ng makitang palapit na ng palapit ang mukha n'ya.

*BOOGSH!*

Lahat ay natigil, lahat ay napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas! Salamat! Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"L-Levi?" kinakabahan ang tono ng pananalita ni Jame. Napatingin si Levi sa'ken, nakakatakot ang mga mata n'ya at mukhang galit na galit! I can't deny the fact that he was very scary! Nagulat ako ng biglang sumugod ang mga lalake kay Levi. Napapikit ako dahil ayoko 'yong makita. Ano ba namang kasi ito!

"Umalis na kayo, at ayoko ng makita pa kayo." nakakatakot at ma-awtoridad na utos ni Levi. Nag-angat ako ng tingin habang tumutulo ang luha ko, sobrang natakot ako! Kaya ngayon umiiyak na ako ngayon lang ksi nangyare sa'ken ang ganito! Tumingin si Levi sa'ken na seryoso. Napayuko ako dahil sa pagkakataong ito nanghihina ako para tignan ang mga mata n'yang galit.

Ramdam ko ang mga kamay n'ya na tinatanggal ang nakatali sa akin. Nang matanggal ang tali ay tinakpan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Kahit ang laylayan ng gown ay masyado ng maikli halos mangalahati na ito sa hita ko.

"Ayos ka lang?" tanong nito sa'ken. Hindi ko alam kung bakit napailing ako kahit pakiramdam ko ay ayos lang ako, muling tumulo ang mga luha ko, bakit ganito? Ano bang nangyayare sa'ken? Napatingin ako kay Levi ng may naramdaman akong ipinatong n'ya sa balikat ko, nakita ko na yung coat n'ya pala 'yon. Hinawakan ko iyon para hindi malaglag sa balikat ko.

Nakakainis!

"Tumayo ka na." utos nito. Sinunod ko ang gusto n'ya. Tumayo ako, naglakad naman s'ya palabas kaya sumunod ako. Ramdam ko galit s'ya at ramdam ko ang pananakit ng hita ko. Pagkalabas ko...

"Rain!" napatingin ako sa hindi kalayuan ng madinig ang pangalan ko mula sa mga kaibigan kong nag-aalala. Lalo akong naluha. Nakita ko na kasunod nila Patchot ang mga pinsan ni Levi.

"Rain ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Keisha, tumango naman ako.

"Ano ba kasing nangyare!?" naiiyak na tanong ni Ana, kahit na akala mo cold si Ana, ibang klase 'yan kung mag-alala. Napailing nalang ako.

"Rain!" tawag ng mga magpipinsan. Pero lahat sila ay nag-iwas ng tingin ng makita ang nangyare sa damit ko kaya bahagya akong napangiti.

"L-Levi." utal na tawag ko.

"What?" tanong nito ng hindi man lang ako nililingon.

"Y-Yung gown na b-binili mo...na-nasira na." sambit ko, inis na nilingon ako nito pero nag-iwas din!

"Inuna mo pang unahin ang damit kaysa sa sarili mo." sabi nito.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon