Chapter 33:

2.7K 64 0
                                    


CHAPTER 33:

"Kita-kita nalang sa Party." si Luis. Nauna itong sumakay sa Limousine kita ko dahil glass pane lang ang nakaharang, pagkabukas ng pinto ng limousine ay may babaeng nakasakay at sapalagay ko ay 'yun ay ang kapartner n'ya. Sumunod ay si Andy at may nakasakay na din sa Limousine gaya ng kay Luis, pansin ko lang ah? Kailangan ba tig-iisa sila ng sasakyan? Sunod ay si Kyle na nilingon muna ako bago sumakay sa panibagong limousine. Nginitian ako ni Halli at Ellie bago sila sumakay sa kani-kanilang limousine. Hanggang sa kami nalang ang natira ni Rain, mukhang masama pa nga ang loob ni Kyle at Devon nung sumakay sila kanina eh.

"Tara." ani ni Levi saka kami naglakad palabas at sumakay sa nag-aabang na limousine sa amin. Medyo naiilang ako at parang name-mental block ako dahil sa lalaking ito. Pinauna n'ya akong pasakayin saka s'ya sumakay. Bakit kailangan pa kasi nila na maglimousine? Grabe ang effort.

Pagkasakay ko at n'ya pakiramdam ko, sumikip ang hangin, hindi ako sanay na kasama s'ya na ganito ang suot. Naiilang ako isa pa dalawa lang kami dahil hindi naman kami makikita nung driver dahil may humaharang.

"Umayos ka nga." sita nito ng mapansing hindi ako mapakali! Ano ba namang lalaking ito! Hindi n'ya ba pansin na naiilang ako!? Hindi na ako umimik at tumahimik nalang lahat ata ng tapang at taray ko ay kinain ng suot ko, hindi ako maitim sa katunayan maputi ako, hindi ako mapayat hind rin ako matatawag na mataba. Eh kasi naman! Nahihiya talaga ako! You know? Dat pilings?

Nagulat ako ng biglang huminto ang limousine.

"T-Teka? B-Bakit p-prang ang bilis naman!" biglang reklamo ko.

"Nakatulog ka kasi!" salungat nito. Wala na akong nagawa ng buksan na ang pinto. Nauna ng bumaba si Levi, ano? Magback-out na kaya ako?

"Kyaaaaaaa! Si Levi naman!" may mangilan-ngilan ng tumitili. Pagkababa ni Levi tumayo s'ya sa pinto at nilahad ang kamay n'ya, gustuhin ko mang hindi kunin 'yon hindi ko kaya dahil kabastos-bastos 'yon. Nanginginig na inabot ko ang kamay n'ya saka humakbang hanggang sa makababa. Ang kaninang tilian ay nawala.

"Sino s'ya?"

"Wah? S'ya yung babae kanina na sumayaw at kumanta ng kanta ng blackpink."

"Hala! Oo nga sila yung nanalo di'ba?"

"Wah! Ang ganda n'ya!"

"Huhuhuhu!"

Napayuko ako ewan ko kung matutuwa ba ako.

"Keep your heads up." bulong ni Levi habang naglalakad kami na nakasukbit ang braso ko sa braso n'ya. Sinunod ko ang sinabe n'ya. Nagtungo kami kung saan gaganapin ang Party. Gaya ng inaasahan ko, madaming mata ang nakatingin sa amin, maraming bulungan.

"Dre!" nagsilapitan na silang magpipinsan kasama ang mga partner nila. Nagkuwentuhan ang mga babae kapit ang mga partner nila, ako naman ay hindi makasabay sa topic.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon