CHAPTER 12:

3.3K 94 0
                                    


CHAPTER 12:



Pagkagising ko otamatikong nagplantsa na ako ng damit ko at ligo at ang nakasanayan na hindi pagkain ng almusal. Hinintay ko si Keisha sa labas ng bahay, pakiramdam ko nanghihina at wala akong gana ngayon. Parang nilalagnat ako na ewan. Ang sama ng pakiramdam ko 'yun ang nararamdaman ko sa madaling salita. Sumakay ako ng kotse ni Keisha ng huminto ito sa harap ko.


"Oh? Tamlay mo." puna n'ya. Hindi na ako sumagot, dahil sumakit din bigla ang sugat sa braso ko, shet hindi pa din ba magaling? Pansin kong lumapit si Keisha.


"'Wag mo na akong pansinin at magmaneho kana." sabi ko. Ngumuso ito at minaneho na ang kotse n'ya. Giniginaw ako dahil kasi iyon sa maagang pambubuhos ng tubig ni Jame eh.


Pahirapan ako sa pagtatanggal ng seatbelt.


"Ako na nga." presinta ni Keisha, hinayaan ko nalang s'ya. At ng matanggal n'ya ay lumabas na ako. "Ang init mo ah." aniya nangunot naman ang noo ko dahil hindi n'ya naman ako nahawakan.


"Ayos lang ako." sagot ko at nag-umpisa ng maglakad. Nagpapasalamat ako dahil hindi ko nakita ang mga makukulit na magpipinsan, ng dumaan kami sa hallway ay nakita ko si Ellie at Hallie sa mga section nila. Tinignan lang nila ako ng dumaan ako sa room nila pero hindi ko sila kunwari nakita ant nagderederetso lang ako sa room. Nililingon-lingon ako ng dalawa kong katabi.


-.-



-DISCUSSION-


-DISCUSSION-


-BREAK-


Nang break na ay lumabas na kami ng room.


"Bibi, una kana sa cafetria, CR lang ako." biglang sabi ni Keisha.


"Sige." walang ganang sabi ko.


"Ako ang -oorder kaya hantayin mo lang ako." sabi n'ya pa tumango lang ako, at naglakad ng naglakad na din s'ya papunta sa CR.


"Hoy!" isang kilalng boses na naman ang narinig ko mula sa likod ko, kaya walang gana ko itong nilingon. Aaminin ko, wala akong lakas makipagbuno sa kan'ya.


"Tigilan mo ako ngayon ah." sabi ko ng bigla n'ya akong sugurin at sipain sa sikmura. "Ugh!" usal ko at napaluhod sa malubak na semento. Sakit ng ulo ko ang nararamdaman ko.


"Mukhang wala kang lakas ngayon ah." aniya pa. At hinila ang buhok ko. Naramdaman ko nalang na dumampi ang palad nito sa pisngi ko. Kaya para akong papel na bumagsak. Pito sila ngayon dahil may kasamang tatlong lalake. Gustuhin ko mang tumayo nanghihina talaga ako. Napakasama ng pakiramdam ko.


Muli s'yang lumapit sa'ken at tinadyakan ako. Ang sakit! Gago humanda talaga s'ya sa'ken 'pag gumaling ako! Sa ngayon, sige magpapabugbog ako.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon