Chapter 46:

2.6K 79 1
                                    


CHAPTER 46:

At umaasa din ako kahit papaano ay makita ko s'ya. Pero baka nakalimutan na n'ya ako. Isa kasi akong dakilang manloloko naaalala ko noon na hindi ko sinabe ang totoong pangalan ko sa kan'ya. Naupo ako sa swing kung saan ako laging nakaupo at pinapanood silang walo habang naglalaro. Galit pa ako sa mga pinsan ko noon kasi palagi nilang inaagaw yung candy ko.

"Hays." usal ko at tinulak ko ang buhangin gamit ang paa ko para makapagduyan. Napahinto ako sa pagduyan ng may makita akong anino na nasa harapan ko, may tao sa likuran ko kaya naman huminto ako sa pagduyan at tinignan kung sino 'yon. Lalaki s'ya at hindi ko maaninag ang mukha dahil nga ang mukha ko ay nasisilaw sa liwanag ng araw na papalubog.

"Ayos ka lang?" tanong nito saka naglakad sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang maupo ito sa katabi kong duyan doon ko lang narealize na... O_O KAMUKHA N'YA SI RAIN! "Nakakita ka ba ng multo?" tanong nito.

"W-Wala napansin ko na may kamukha ka pala." sambit ko na ikinatawa lang n'ya.

"Madami nga ang nagsasabi." anito. Muli akong tumanaw sa malayo. "Alam mo ba kung bakit?" tanong nito kaya tinignan ko s'ya ulit.

"Bakit?" tanong ko.

"May kakambal akong babae." O_O literal na napanganga ako sa sinabe n'ya. Hindi kaya si Rain ang kakambal n'ya?

Malabo, walang nakuwento si Levi sa'men noon, ang sabi n'ya isang batang babae lang ang kapatid n'ya. Baka nagkataon lang. bukas tatanungin ko s'ya.

"Bakit ka pala nandito?" tanong n'ya. Muli akong tumanaw sa malayo.

"May inaalala lang." tugon ko. "Ikaw?" tanong ko.

"May nami-miss." aniya. Naging malungkot ang tinig ng pananalita n'ya. Sino kaya ang nami-miss n'ya? Tatanungin ko pa sana kung sino ang kaso kinuha n'ya ang cellphone n'ya at mukhang may tawag. "Mauna na'ko." paalam n'ya tango lang ang naisagot saka s'ya umalis.

Keisha's POV

Ilang oras na akong nandito sa store at mukhang ayaw talagang umalis ni Rain dito =_=.

"Rain punta na tayo sa Forest Park." pagpupumilit ko. Hindi naman n'ya ako pinakikinggan.

"Taon-taon nalang tayo nandoon, ayoko nakakapagod." reklamo n'ya. Wala pa din talaga s'ya maalala.

"Edi 'wag ako nalang." inirapan ko s'ya at inirapan n'ya din ako. Kinawayan ko si Rain bago ako lumabas ng store. Sumakay ako ng kotse at nagdrive.

***FOREST PARK***

Pinark ko ang kotse ko sa tabi at bumaba, nandoon pa kaya 'yung swing? Sinarado ko ang pinto at nagsimulang maglakad. May nakita akong lalaki yung isa nakatalikod at yung isa naka sideview. Teka?

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon