CHAPTER 53:
Rain's POV
Nagising ako na tahimik ang paligid. Pero pagkagising ko ay nasasaktan ako dahil alam ko na kung ano ang nangyare sa mga magulang ko. Naupo ako at pinagmasdan ang paligid. Nandito yung Ran na kapangalan ng kakmabal ko, hindi ko s'ya kapatid dahil iba ang mukha n'ya. Tapos yung Keisha, hindi s'ya si Keisha na kaibigan ko dahil masyadong maganda ang isang ito. May napansin pa akong nakahiga sa isang kama.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko kung bakit dahan-dahan akong tumayo na dala ang dextrose at tinignan ang lalake. Ang anim na lalake ay wala ngayon at tanging ito lang ang nakita ko, tulog ito, at pansin ko ang mga sugat nito sa mga. Pansin ko lang na parang pamilyar ang mukha n'ya. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung sino.
Lumapit ako para mas mapagmasdan ang kabuuan n'ya, nakatayo na ako ngayon sa gilid ng kama n'ya. Sino kaya ang napakagwapong lalaking ito?
"Nakakaalala ka na?" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko, isang lalake na mukhang lumabas galing sa CR ang gwapo n'ya! Pero nangunot ang noo dahil sa sinabe n'ya.
"Sino ka ba?" tanong ko.
"Hindi pa pala." sagot nito. At naupo katabi ng lalaking tulog.
"Sino ka ba kasi?" tanong ko.
"'Pag sinabe ko ba maaalala mo?" tanong nito.
"Ano bang maaalala? Eh hindi naman kita kilala." sabi ko pa.
"Ang taray pa rin kahit nakalimot na." anito.
"Ewan ko sa'yo." sabi ko. At bumalik na sa kama ko.
"Ellie." sabi ng lalake.
"Anong Ellie?" tanong ko.
"I'm Ellie." aniya. Tumango nalang ako. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla iyong kumirot.
'Sa'yo na ito. Nga pala I'm Ellie.' (FROM CHAPTER 2)
"Ano 'yun?" sambit ko. May pumasok sa isip ko nakagaya ng sinabe ng lalakeng iyo. May nagpakilala na bang Ellie sa akin noon? Napailing ako. Saka naman nag-angat ang ulo ng babae mukhang kagigising n'ya lang.
"Rain? Ahm nagugutom ka?" tanong nito sa'ken. Tumango naman ako. Madali itong tumayo.
"Sandali sasama ako." sabi ko. Dala ko ang dextrose ng suotin ko ang isang tsinelas.
"Malamig sa labas, kasi umulan kaninang madaling araw." sabi nito. Bago buksan ang pinto.
"Ok lang." tugon ko, bago n'ya buksan ay may pumasok naman lalake.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...