Chapter 54:

2.5K 64 0
                                    


CHAPTER 54:

Rain's POV

 

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naiinis ako sa lalaking 'yon. Binato n'ya ako ng unan pero ang pinagtataka ko ba't hindi ako gumante? Uso sa'ken ang salitang ganti eh ba't hindi ko s'ya binato? Tinignan ko ang lalaki pero nakataklob na ito ngayon ng kumot. Sino kaya s'ya parang fels na fels ko ay badtrip ako sa taong 'yan.

Bigla kong may sinalo.

"Kuya Ran!" asik ko. Bigla n'ya kasi akong binato ng ballpen mabuti nalang at nasalo ko.

"Ran! Paano kung hindi n'ya nasalo? Tapos hindi pa s'ya nakatingin!?" asik ni Keisha sa kan'ya.

"I'm just testing her." sabi nito. Kinuha ko ang tinidor sa plato ni Keisha at ibinato sa kan'ya. Bahagya akong napatigil ng masalo n'ya 'yon. "Akala ko napabayaan mo na ang pagsasanay mo." sabi ni Kuya Ran.

"Asa, mas magaling nga sa'ken 'yan." ani naman ni Keisha.

"Alam mo Keisha, bagay kayo ni Kuya Ran." wala sa sariling sambit ko. Napaubo si Keisha at ako nagulat nalang ng may tumama sa noo ko, pagtingin ko isang butil ng ubas ang binato ni Kuya Ran sa'ken. "Epal ka?" inis na tanong ko.

"Ang daldal mo kasi." sabi ni Kuya. Inirapan ko lang s'ya.

"May crush ako Rain." saad ni Keisha.

"Sino?" tanong ko.

"Si Halli." aniya.

"Sinong Halli?" tanong ko.

"Yung nakatingin sa'yo." aniya, napatingin ako sa pitong lalake na ngayon ay masayang nagkukwentuhan, at oo nga may isang lalake na nakatingin sa'ken? Bakit? Kilala n'ya ba ako? Nagkibit balikat nalang ako. Sino ba s'ya?

'Hindi mo ako kilala?'

Muling kumirot ang ulo ko. Shit!

"Rain? Ayos ka lang?" tanong ni Rain. Tumango naman ako.

'Hindi.'

'I'm Halli Sanders.'

Huminga ako ng malalim dahil sa mga kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko

"Hayaan mo lang s'ya Keisha, may naaalala lang 'yan." sabi ni Kuya Ran. Naaalala? May naaalala ba ako? May pumapasok sa isip kong mga salita at imahe pero hindi ko maklaro.

"Kainis 'to, ngayon ka na nga lang nagpakita hindi mo pa alalahanin ang kapatid mo." sabi ni Keisha na ikinagulo ng komplikado kong utakers.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon