CHAPTER 39:
Nagtrabaho ako. Hanggang sa mag alas-singko. Wala na din si Luis kaya inayos ko na ang gamit ko ng dumating si Lina. Lumabas ako ng store at nagtungo sa coffee shop. Gaya ng inaasahan nakatayo na doon si Cade. Nginitian ko lang s'ya at nagpunta sa locker ko para magpalit. Naguguluhan pa din ako.
Sa trabaho ko ay hindi ko matanggal sa isip ko ang mga sinabe ni Luis kanina, gets ko naman eh kaso ayaw lang tanggapin ng utak ko, kahit nga yung kay Ellie eh hindi ko pa din nakakalimutan, importante ako lalo na para sa kan'ya.
"CR muna ako." sabi ko kay Cade, tumango naman si Cade kaya nagtungo na ako sa CR. Pumunta ako doon para maghilamos. Ayokong isipin na may 'gusto' sila sa'ken. Kahit na 'yun ang nararamdaman ko, hindi ko pinapansin 'yon kasi malay mo friendly moves lang ang ginagawa nila. Lalo na ang kay Devon, Kyle at Halli. Isa pamukha namang imposible 'yon kasi kung may gusto sila sa'ken ay nag-away away na sila. Nagtagal pa ako ng ilang minuto doon at saka naisipang bumalik.
"Rain, may kakambal ka bang lalake?" nagulat ako sa tanong ni Cade. Ano daw may kakambal ako? Baliw.
"Wala ah." sagot ko at sinimulan ang pag-aayos sa mga nakadisplay na cakes.
"Sure? Kanina kasi may lalaki dito na nagtake-out at promise! Magkamukhang-magkamukha kayo! Lagyan mo lang siya ng buhok parang s'ya na si Rain." aniya. Nababaliw na yata si Cade.
"Ewan ko sa'yo." sagot ko nalang s'ya naman nag-iisip pa din. Ay ewan ko sa'yo Cade.
Hindi ko na s'ya pinansin at nagsimula na akong magtrabaho dahil pa dami na ng padami ang mga costumers. Nawala na din sa isip ko ang mga nangyare kanina. Mas ok nga 'yon eh para hindi ako magkamali sa ginagawa ko dahil nga kasi madami akong ginagawa.
"Aba tignan mo nga naman." natigil ako sa ginagawa kong pag-aayos ng mga brochures sa istante ng madinig ang boses na 'yon. Kahit ba naman sa trabaho ko nag papakita ang isang ito?
"Kilala mo?" tanong ni Cade sa'ken.
"Hindi." sagot ko.
"Aba dini-deny mo ba kaming mga kaibigan mo?" nang-iinis na tanong ni Jame.
"Ano pong order n'yo Ma'am?" seryosong tanong ko.
"Wala nakita ko lang kasi ikaw." sagot n'ya. Hay nako.
"Ay!" biglang usal ni Katlina ng malaglag n'ya yung ilang mga brochures.
"Umalis nalang po kayo kung manggugulo lang kayo." mahinahong pakiusap ni Cade. Sinamaan lang s'ya ng tingin ni Jame.
"Hindi pa tayo tapos Rain." banta n'ya, inirapan naman ako ng dalawang kaibigan n'ya.
"Grabe nama nang mga babaeng 'yon." usal ni Cade.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...