Chapter 27:

2.8K 68 0
                                    


CHAPTER 27: 

Naabutan ko si Mama na nanonood ng TV kandong si Snow.

"Ate!" salubong ni Snow, nginitiian ko lang s'ya saka ako nagtungo sa kwarto ko. Ipinatong ko ang bag ko sa study table at saka ako nagpalit ng damit. Bumaba ako ng kwarto para labhan yung dalawa kong uniform. Naging madali lang para sa akin ang kusutin ito kaya mabilis akong natapos.

Sinampay ko sa hanger ang uniform ko at dumeretso sa kusina para magluto kung sakaling hindi pa sila nagluluto. Pagbukas ko ng kaserola ay may adobong baboy na.

"Saan naman kaya s'ya nakakuha ng pera?" bulong na tanong ko sa sarili ko. Muli ko iyong tinakpan at umakyat sa kwarto ko, ayokong kumain eh. Diet daw para masaya.

Nahiga ako sa kama pagkapasok ko. Wala sa sariling napangiti ako at naalala yung nangyare sa Mall kanina. Pero nababanas pa din ako sa kan'ya, hindi man lang binawasan ang pagiging masungit? Sarap n'yang kotongans.

*KNOCK*

*KNOCK*

Natanggal ang ngiti ko ng may narinig akong kumatok.

"Tuloy." tipid na sagot ko, nakita kong si Papa ang sumilip kaya naman umupo ako sa kama.

"Rain." tawag ni Papa habang naglalakad ito papalapit.

"Bakit po Pa?" tanong ko, pansin kong may kinuha ito sa bulsa n'ya.

"Sahod ko ngayon at gusto kong ibigay ito sa'yo." sabi ni Papa saka kinuha ang kamay ko at inilagay doon ang 3 libo.

"H-Hindi na po Papa, ibigay n'yo nalang po kay Mama." tanggi ko. Pero pinagsaklop n'ya ang kamay ko para hindi ko na mabitawan yung pera.

"Meron na ang Mama mo, nakabonus kasi ako ngayon kaya medyo malaki-laki ang sahod ni Papa." sabi n'ya. Ewan ko kung bakit naging madamdamamin ako sa harapan ngayon ni Papa, nangilid ang luha ko.

"Salamat po Papa." naluluha kong tugon.

"Ikaw talagang bata ka, huwag ka ng umiyak." sabi n'ya at bahagyang ginulo pa yung buhok ko. Pinunasan ko ang pisngi ko. Buti pa si Papa na hindi ko totoong ama ay mabait, hindi gaya ni Mama. "Bababa na ako ah. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa pera." sabi ni Papa, hinawakan n'ya pa ang ulo ko bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Ambait talaga ni Papa. Kinuha ko ang small notebook ko.

"Bukas ang sahod ko kay Ate Pia, 5,000 Pesos at kay Boss Lisa na nadelay ng tatlong araw. Buwanan ang sahod ko sa Coffe Shop, edi kung 600 ang isang araw ko at may 31 days sa buwan ng May ay may *Bilang* *Bilang* 18,600 ako! Yes! Makakakumpleto na ako sa balance ko doon sa tuition! Inipit ko ang pera ko sa notebook na hindi ko inilalabas saka ako nahiga.

"Makakaraos ka din Rain. Tandaan mo 'yan." pampalakas ko sa sarili ko. Napahawak ako sa braso ko, hindi na ito sumasakit. Shet! Kyaaaaaah! Ok wala na OA na ako. Basta crush ko pa din si Ellie! >.<

6:30 PM na ng makatulog ako, kailangan ko din ng lakas dahil paguran ito sa practice, hindi dahil magiging pault-ulit 'yon dahil mabilis naman nilang makabisago ang step ang kailangan lang ay ang formation.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

3:20 AM......

Antok na antok akong bumangon sa kama ko, tinupi ang pinaghigaan ko, at naupo sandali para magising ang natutulog ko pang diwa.

*3*

*2*

*1*

Tumayo na ako at bumaba para kunin ang uniform ko na nakasampay sa likod bahay. Tapos ay umakyat na din ako para makapagplantsa, ngayon ko lang napansin na may isang plato at mangkok na nakapatong sa stydy table ko, kanin at ulam medyo mainit-init pa at mukhang bagong luto. Hindi ko iyon pinansin at nagsimula na akong magplantsa. Dala ko ang tuwalya at damit na susuotin ko, binitbit ko din ang pagkain na nakalagay sa stydy table ko at ibinaba sa mesa sa ibaba, sayang naman kung iiwan at itatapon ko. Pumasok na ako sa CR at naligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umakyat na ako sa kwarto ko, practice pala ang gagawin ano? Nagbaon ako ng damit na komportable, maaaring hindi kami mag-uniform eh, pero alam ko hindi ka papapasukin ngayon dahil nakasibilyan ka, paniguradong doon sila sa loob ng school nagsipagpalitan. Kinuha ko ang bag ko at iniwan ang mga notebook ko na hindi naman kailangan ngayon. Ang notebook na naglalaman ng pera ay inilagay ko sa likod ng poster ni Jessie J.

May narinig akong tahol ng aso, malamang nandoon na si Keisha. Sinukbit ko ang bag ko saka bumaba, naabutan ko si Mama sa kusina, isang beses lang akong tumango saka nagdere-deretso palabas. Tama nga ako nandoon na si Keisha, nakangiti ito at kinawayan pa ako, ang ngiti n'ya ay nang-iinis na naman. Nakasimangot ako kunwari ng pumasok ako sa kotse n'ya para hindi n'ya ako asarin pero bigo ang pagpapanggap ko.

"May progress ba ha? Ha? Ha? Ano? Ayie! Tell me na friend! Dali! Ano? Kamusta nagdate ba? Niligawan ka na ba? Nagholding hands na ba? Ano? Dali sabihin mo na!" ang sarap mapamura sa sunod-sunod n'yang tanong.

"Wala! Sa lahat ng tanong mo wala! Hindi! Ok na?" singhal ko.

"Ang weak mo naman pala friend." aniya saka pinaandar ang kotse, inirapan ko lang s'ya.

"May baon kang damit?" tanong ko.

"Mmmm. Ikaw?" tugon n'ya. Tumango naman ako.

"Ako na pala unang magpapalista sa atin." sabi ko bigla.

"Bakit? Hindi ba dapat sa sabado pa?" tanong n'ya.

"Kailangan tayo ang mauna o pumangalawa, may gagawin pa kasi ako." sabi ko, nakuha naman n'ya ang punto ko, kasi kung mahuhuli kami, magiging aligaga ako sa oras ng pag-aayos, dami kasing arte ng Levi na 'yon eh. Sana pala nilakasan ko nalang ang sipa sa kan'ya kahapon.

Pagkababa namin ay pumasok na agad kami, kita namin na marami ang mga nakasibilyan sa labas ng gate ng mga grade 11 at 12. may bantay pala ngayon.

"Sige na Kuyang Guard, papasukin mo na kami."

"Hindi nga pwede dahil hindi kayo naka-uniform, isa pa hindi ko alam kung mga istudyante ba kayo dito dahil wala pa kayong mga ID." tugon ng guard sa mga nagrereklamo. Pinapasok na kami nung guard ng makita kaming naka-uniform. Nagtungo kami sa locker room para doon magpalit.

"Nasa field na yata sila Patchot." sabi ni Keisha ng makalabas na ako ng CR.

"Sa field? Field ng Soccer o ng Rugby?" tanong ko.

Ps: hindi po yung Rugby na ginagawang pandikit.

"Ng Soccer para may Lilim." sagot n'ya habang parehas kami nakatingin sa salamin.

"Oo. Ako na ang bahala doon sa susuotin." isang kilalang boses ang narinig ko. It starting in J ending in E. kilala n'yo na? Sabi ko nga hindi. Nahinto ako sa paghuhugas ng kamay ng tignan n'ya ako sa reflection ko. Sandali lang ang itinapon kong tingin sa kan'ya at saka nagpunas ng kamay.

"Tara Keisha." aya ko, base sa mukha ni Keisha ay kinakabahan ito, hindi dahil natatakot ito na baka saktan s'ya kundi natatakot ito na baka na ako ang masaktan. Hinatak ko palabas si Keisha.

"Hindi kaya may plano sila sa gaganaping na party?" nangangambang tanong ni Keisha.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon