CHAPTER 22:
"Devon pabalik na nito." utos nito sa pinsan saka inabot. Tinanggap iyon ni Devon, kinindatan n'ya pa ako bago s'ya umalis papunta sa parking lot. Nauna ng maglakad si Levi. Sumunod naman ang lima. Kinawayan pa nila ako. Mga tukmol.
"Ayieee! Doctor mo si Koya Levi Sandera! Mukhang pati paminta nilalanggam na ah?" panunudyo ni Keisha.
"Gusto mo ng sili?" inis na tanong ko. Kinuha ko ang coat ko at saka sinuot iyon iniwan ko si Keisha na mahilig mang-asar.
"Sandali lang Snow White!" tawag ni Keisha kaya naman taas kilay ko itong nilingon.
"Snow White?" takang tanong ko.
"Kasi imbes na wala kang malay eh may sugat ka, imbes na hahalikan ka ginamot ka." aniya.
"Labo naman ng logic mo. Anong connect?" inis na tanong ko.
"Mmm. Papakainin nalang pala kita ng mansanas na may lason para himatayin ka tapos gagamutin ka ni Levi para magising ka. Tapos s'ya ang Prince Charming mo." aniya.
"Oh tapos? Ikaw naman si Rapunzel at hahatakin ko ang buhok mo at ibubuhol sa puno gano'n?" sarkastikong sabi ko at sinukbit ang bag ko.
"Parang ayaw pa. Snow White and the Seven Handsome boys. O ha?" wala talagang tigil ang bibig ng isang ito.
"Talk to my hand." sabi ko at bumalik na sa building namin may mga mata ng matatalas na nakatingin sa'men. Pagkapasok ko sa room ay napatingin ang ilan sa'ken. Hindi ko na sila pinansin at naupo na ako katabi si Chloe.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Chloe.
"O-Oo." naiilang na sagot ko. At yun tumahimik na s'ya pero ako hindi pa dahil sa ingay ng bibig ni Keisha.
"Wala ka ba talagang nagugustuhan doon sa pito?" bulong na tanong ni Keisha.
"Wala nga! Pwede ba manahimik ka na?" inis kong sabi. Ngumuso ito at natahimik na ng dumating na yung teacher namin sa Biomedical Science. Ang course ko kasi ay tungkol sa medicines kaya ang karamihan sa subjects namin ay Science. Medyo malalim lalim na rin ang topic dahil grade 12 na kami. Pero ngayon lang namin sisimulan ang klase dahil wala ito simula lunes hanggang kahapon kaya ibang teacher ang pumasok at random discussion ang ginawa.
"Ok Class, let's start." aniya. Saka nilapag ang nagkakapalang libro sa mesa. "Do you aware of some medical equipments that use in hospitals?" tanong n'ya.
"Yes." sagot ng lahat.
"Ok, we will start to you Ms.?" patungkol nito kay Keisha.
"Me?" tanong pa ni Keisha, tumango naman si Ma'am. "My lastname is Mendoza." sabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...